Friday, December 30, 2016

Kapamilya ngayong Christmas

Merry Christmas to all at tulad ng dati late ups nanaman.. kumusta kayo ngayong taon? anung magandang ganap ngayong pasko? kasama mo ba pamilya mo? , nakakagulat na magkakaron tayo ng biglaang pagsasalu-salo na wala sa plano. ang dami nilang kwentong dala para samin , sana maulit next christmas at mas maging kumpleto pa ang pamilya sana lang maging ok naman ang lahat, gumanda ang kalusugan ng lahat. maubos na sana ang pag aawayan sa pamilya, magkasundo lahat at walang mangyaring aberya, di baleng walang pera bastat sama sama ika nga ng iba.


















Tuesday, July 26, 2016

Swerte Pa Tayo Sa Natatanggap Nating Pagsubok sa Ngayon...

                   Maaga ko nagising dahil may trabaho sa isang kilalang botika bandang makati, medyo ayos dahil pangatlong araw ko sa trabaho ngayong araw na ito.. habang nagyoyosi higop kape, sarap buhay no? after ko makapagayos ay umalis na ko dahil lunes ngayon sobrang traffic at ayoko mapahiya sa trabaho bagong pakikisama, bagong kaibigan, bagong lugar para sakin. Ordinaryong araw tingin ko, maghapon konting linis ayos , Lunch, at pasok ulit, alas sais ng hapon maggagabi, lumapit ang kahera at may kasamang matanda (tingin ko edad 75) at nagmamakaawang ipalit ang nabili niya na colostomy bag na mali ang sukat sa wafer tan at aminado naman ang kahera na siya ang nagkamali dahil wlang incharge last week na empleyado ng kompanya ko (it means? mali ang bigay ng kahera na size), nag offer naman ang kahera na babayaran niya nalang ng bago ang produkto dahil di na pwede ibalik dahil nabuksan na, di naman makapaniwala si lolo na babayaran niya, sa tingin ko medyo hirap sa buhay si lolo, nang umalis ang kahera para ipunch ang item, bigla nagsalita ang matanda sakin na "pasensiya kana anak ha, pasensiya na kau sa abala kailangan lang ng asawa ko talaga dahil meron siyang sakit na colon cancer stage 4 , sobrang hirap lalo na kabiyak mo yung nahihirapan, sobrang sakit.." (kasabay ng mahinang pag iyak ng matanda) "kakaopera ko lang din sa mata ng nakaraan dahil may problema sa mata ko, pinacheck up ko pa asawa ko 2 thousand jan sa medical city, kailangan daw i chemo therapy 50 thousand,,kaso baka hindi kayanin, maglalakad na ko pauwi",,(sabay tingin sa wallet) "anu ba itong hinabilin sa akin" (sabay tingin sa taas na parang nagtatanong sa Diyos)

  Walang hiya para kong maiiyak haha , pero pinigilan ko, habang nakikita kong umiiyak siya, sabi ko sa sarili ko anu ba tong inabot ko? nagbabalot lang naman ako ng surgical gloves na pambenta.. as in nakanganga ko,,, sabi ko nalang "wag kayo mag-alala makakaligtas ang asawa niyo Lo.." 

Sa buhay natin talaga may mga bagay na magaan lang pero feeling natin sobrang halaga na, tulad ng pagkawala ng materyal na bagay, pera , at kung anu anu naexperience ko din naman yan sa sarili ko, hindi ko sinasabi na hindi mahirap ang buhay kundi may mga taong sobrang gipit at pati buhay ng mga mahal nila sa buhay nakataya na, ala una na , pero nagdasal muna ko para sa matanda at sa kalagayan ng asawa niya, di ako makamove-on.
iniisip ko kung panu sila bukas tapos ako pa yung taong nakarinig non at isa ding wlang maitulong kundi pampalubag loob lang ang kayang ibigay. Medyo nag iba ang pananaw ko sa buhay , salamat sa pagkakataon. 

Friday, April 01, 2016

my Summer 2016


Bolinao, Pangasinan March 25, 2016

maraming nagbago medyo naging maayos.



with Donaline Reanzares in Bolinao , Pangasinan







 Roadtrip with Bestfriend Alvin Mahilum Lintag and Kenshin Lester Narra Payas















Limahong
Princess Urduja

Saturday, January 02, 2016

HAPPY NEW YEAR 2016 at Wag sana Kalimutan ang 2015!


Magandang Umaga 2016, January 2, Late update nanaman as always, taon taon naman ganito ginagawa ko nagpapasalamat ako sa lahat ng tumulong sakin at nakaunawa sa nagdaang taon, hindi tayo perpektong lahat lalo na ang taong nagsusulat nito ngayon. Salamat sa lahat ng nakaintindi sa akin lalo na sa mga problema kong nagdaan, mga sigalot tampuhan ang mga muntikang away na akala ko malapit na malapit nang pagmulan ng gulo. Lahat tayo nagsasabi na Welcome 2016 at dahil bagong taon na para sa ating lahat KALIMUTAN NA DAW ANG NAGDAANG TAON (2015)at magsimula ng bagong buhay, pero paano mo namang magagawang magbago kung lahat ng pagkakamali mo at tama e kakalimutan mo nalang nitong mga nagdaang taon, para sa akin (para sa akin lang naman) gawing ehemplo ang mga mali at tama sa mga hinakbangan mong taon, ilan na ba natulungan mo? sino bang mga nasagasaan mo sa kayabangan at kalokohan. Yung mga pagbabagong naudlot na hanggang ngayon dala ko parin sa sarili ko na parang di ko na matatanggal kahit kailan tapos alam kong sa huli nagsisisi parin ako. Sorry sa mga yan, sa 2016 sana maging mas maayos akong tao (kung tao nga haha) at sana maging regular hindi man sa trabaho e sa blog at pagiging blogger ko. Sa mga Kaibigan, asahan niyong palagi akong nasa gitna niyong lahat hindi ako madaling magpasulsol sa iba at alam niyo yan napatunayan ko yan sa inyo at tropa tayong lahat, PEACE lagi kahit minsan medyo mainitin talaga ulo ko. Palagi kong hiling naman sa pamilya ko Good health at success, wala sanang siraan at awayan tayo tayo na nga lang nagkakagulo pa e paano pa kaya ang ibang tao pag inaway ka. 

Sa ngayon yun palang masasabi ko sa readers wala kong masyadong idea kung saan ako magsisimula ulit sana maintindihan niyo, sana makasulat pa ko ng makabuluhan tulad ng mga dating tutorials na ginagawa ko, parang walang kwenta kasi sinasabi ko ngayon haha. HAPPY NEW YEAR NAGAAPOY NA UNGGOY (kayo, joke)

p.s. di ako nagpaputok ng bagong taon dahil nilalagnat ako kaya after 12am tulog na ko.














how to unblock sun simcard 2021

  FREE VPN UNLIMITED INTERNET PHILIPPINES DOWNLOAD HERE MEDIAFIRE APK               DOWNLOAD 1 PLAYSTORE                        DOWNLOAD 2 A...