Gudafternoon! Gusto ko lang mag share sa inyo ng experience ko "Kung paano mabasted?" oo ganun pala talaga ang pakiramdam masakit at parang gusto mong sumuko agad pero siguro lahat naman ng tao ay pinagdadaanan ang tinatawag na rejection minsan sa buhay naten mararanasan natin ito hindi lang sa panliligaw kundi sa lahat ng bagay.. ito ang kwento ko (sarap tumalon sa bangin haha)
Nakilala ko itong girl na to nang nagapply kami ng bestfriend ko sa gusto naming mapasukan somewhere in Alabang, kanina ko pa sya napapansin una palang niyang pumasok kahit late na siya dumating, siya ay may mahabang buhok, maputi, may magandang hugis ng mukha, may balingkinitang katawan at maganda siya, Gusto kong magpapansin sa kaniya pero mukha siyang seryoso. Gabi na nang pauwiin kami ng HR sa wakas at natanggap din ako at sigurado naman ako natanggap sya, malakas ang ulan ng gabing iyon pero alam ko naman na okay lang dahil lagi akong may dala-dalang payong sa bag ko, pero nakita ko siya na naglabas ng payong at napatingin ako sa kaniya na parang nagpapaawa pa, mabait siya at inalok niya kong sumilong sa payong niya, nang mga oras na iyon wala na kong pakialam sa iba pang mga bagay kahit yung mga nakasabay ko sa applyan ay iniwan ko na, kinuha ko ang payong at siya ang pinayungan ko at kahit mabasa ako ay ayos lang naman, hindi pa kami nagtatagal ng paglalakad ay nakipagkwentuhan ako sa kaniya mga 6:30pm na ang oras at parang bagyo ang ulan hindi ako makapagsalita ng mga panahong iyon sa kaba hehe.. ang ginawa ko nalang ay kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at sabay sabing "pwede ko bang makuha ang number mo? kung okay lang sayo" kinakabahan ako dahil di ko naman gawain ang manghingi agad ng number ng isang girl pero nilakasan ko nalang ang loob ko. ang sabi niya naman "hala!" akala ko ay hindi niya ibibigay pero habang pinapayungan ko siya ay dinikta niya sa akin ang kanyang number at sabay sabing "carol nalang" at sabi ko "jericho din pala.." di ko makalimutan ang tingin niya sakin at pagkadinig ko sa malamig niyang boses. Alam kong love at first sight talaga ang nangyari sakin, marami dyan ibang babae pero iba ang dating niya sakin, yung tipong seseryosohin mo siya at mamahalin mo ng tapat. Pagsakay ko sa jeep ay patila na ang malakas na ulan pero nasa isip ko na siya palagi simula noon nagmessage ako sa binigay niyang number sa akin "hello ito pala number ko si jericho ito pauwi na ako" nagreply siya ng "sige ingat po sa pag-uwi" pagkatapos non ay lagi ko na siyang katext minu-minuto, sinabi ko na rin na gusto ko siya kahit mahal ko na siya noon alam kong mabilis pero ayoko siyang mailang at ayaw ko ring patagalin, tinanggap naman niya ang mga sinabi kong yun. Nagkaroon kami ng pustahan na kapag naka 4000 messages ako sa kanya ay ililibre niya ko ako sa gusto kong lugar paghindi ko naman naabot yon ay ititreat ko siya at pumayag naman ako sa usapan naming iyon. Nagsimula na rin kaming magtrabaho at masaya talaga ako tuwing nakikita ko siya parang kumpleto lagi ang araw ko at hindi napapagod sinabi ko na sa kaniya na mahal ko na siya at gusto ko siyang ligawan pero pinigilan niya ako at bakit daw hindi ako maghanap ng iba sabi ko naman ay siya lang ang gusto ko sinabi niya yun dahil di pa daw siya nakakapagmove-on sa ex-boyfriend niya sabi niya ay kahit anong pilit niya ay kaibigan lang ang turing niya sa akin pero hindi pa naman kami nagsasama daw ng matagal kaya hindi niya pa sure, tinanong niya pa kung kaya kong maghintay, oo naman agad ang sagot ko dahil alam kong masasaktan ako paglumayo ako sa kaniya. pero nag iba ang pakikitungo niya sa akin pagkatapos ang ilang araw namin sa trabaho, hindi na siya madalas magtext at di na rin niya sinasagot ang mga tanong ko sa kaniya, nahihirapan na ko ng mga panahong yon tuwing break ko ay tingin agad sa cellphone kung meron syang message pero wala at pag-out niya sa gabi ay minsan ay 11pm na siya nagtetext at sabay magsasabing matutulog na siya noon naman ay pagkalabas palang niya ng 8:30pm ay meron na siyang text sa akin. Nakakarining ako ng usap-usapang may sumusundo daw sa kaniya gabi-gabi at hinahatid siya siguro kaya siya nagbago at katrabaho rin namin yung guy tinatanong ko siya kung totoo pero hindi siya nasagot sa akin ang ibig sabihin ay totoo nga. hindi rin siya nagsabi ng totoo nung sinabi niya na ako lang ang katext niya pero umamin sya sa akin na pinayagan nya na manligaw yung lalaki at para ngang nagugustuhan niya na niya dahil mukha namang seryoso, Parang dinudurog ang puso ko nung narinig ko yun sa kaniya sabi niya sa akin ay gusto parin niya kong maging kaibigan at tuloy parin ang plano namin pagpunta sa tagaytay pero sabi ko ay di ko siya kayang maging kaibigan, di ko maibibigay yung bagay na iyon sa kaniya dahil masakit para sakin. di ko napansin at tumulo na ang luha ko na may kasamang pagbilis ng tibok ng puso ganon pala talaga ang pakiramdam gusto mong sumabog ka nalang. huli kong message sa kaniya ay "mahal kita lagi mong tandaan wag ka papaloko sa iba nandito lang ako" na parang may halong bitterness. hindi ko na siya nireplyan kagabi at madaling araw na ko nakatulog kakaisip ko kay caroline. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito kasakit... gusto kong sumigaw para mabawasan man lang ang lungkot at sakit na nararamdaman ko pero wala kong magawa di ko na alam ang mga susunod na mangyayare, lagi kong naaalala kung pano kami nagkakilala yung mga ngiti nyang nakakapagpasigla sa akin. Sa oras na ito wala akong pasok sa trabaho ko, paano bukas? kung makita ko ulit siya? ano magiging reaksyon ko.. mahirap isipin na hindi mo pa nasisimulan ay pinapatay na ang pag-asa mo, alam kong nagkulang ako sa effort at di ko siya pinahalagahan akala ko ay maaayos lahat sa simpleng bagay. Sa ngayon di ko talaga alam kung paano matatapos ang sakit sana malampasan ko rin to...

No comments:
Post a Comment