Tuesday, March 11, 2014

Respect Our Senior Citizens!

Good afternoon Readers.. Share ko lang ang experience ko kaninang pauwe ako galing sa agency ko sa Santolan, Nag bus ako papuntang pasay at sumakay ako ng Jeep sa ilalim ng Skyway na katapat ng Heritage Hotel,,,, Pasay to Zapote Las Piñas, pagsakay ko ng jeep ay may isang matandang babae na nakasakay sa bandang likudan ng Driver, Habang si mamang Tsuper ay naniningil na ng Pasahe, Nagbayad na rin ako 16 ang siningil sakin at sinuklian ako 4 pesos sa aking 20, Habang napupuno ang sasakyan ay Biglang Siningil ni mamang Tsuper ang matandang babae nsa edad 70 to 75 years old na ito ang maraming dala-dalahan, "lola bayad niyo ho!" ang sabi ng tsuper,, sabi naman ng matandang babae "wala po ako pambayad bibisitahin ko lang ang mga anak ko sa Las Piñas" dun na nagsimulang nagdadadal-dal si mamang tsuper na pilit pinapababa ang matanda sa kanyang jeep, sigurado akong hindi sya pulubi at hindi rin naman ganun kayaman ang matandang babae, Malaki ang bayad dito sa paradahan 120 pesos kaya magbayad kayo na may halong parang kawalang respeto ng tsuper, alam natin na ang ating elders ay medyo may nararamdaman na at madali nang magalit kaya sabi ni lola ay, "Ibigay mo sa akin ang address mo at pag balik ko ay pupuntahan kita para bayaran ang pamasahe ko, kailangan ko lang mapuntahan ang mga anak ko sa Las Piñas" , parang sobrang naaawa ako sa matanda na medyo galit at naiiyak at ganun parin ang pagdaldal ng Loko-lokong tsuper habang nakatingin ang mga pasahero ng jeep sa kanila, Kung kausapin nya ang matandang babae ay parang ka-edad niya lang, para bang walang magulang ang tarantado. Para lang matigil ang pagdaldal ng driver naglabas ako ng 20pesos para pambayad ng matanda sa pasahe sa jeepney "La babayadan ko na ho ang pasahe niyo" ang sabi ko. inabot ko agad sa driver at kinuha naman nya ito, Pero nagdadaldal parin na kala mo ay babaeng nahubaran sa kalye kaya sabi ko "Diba binigay ko na yung bayad ni nanay? anu pang sinasabi mo jan? Kulang ba yang binigay ko?" na may halong pagkabwisit na rin sa tsuper, hanggang sa ibalik nya sakin ang binayad kong 20 pesos na pamasahe ni nanay at di na nagdaldal, at nagdrive na,,, naka headphones ako kanina kaya medyo malakas yata pagkakasabi ko pero alam kong nasa tama ako, sa lahat ng pasahero ako lang ang nagreact sa pambabastos na ginawa niya sa Senior Citizen, mga TUOD yata mga pasahero sa Jeep na nakasabay ko. parang di ko natiis kanina dahil may Lola din ako at Nanay, Para sakin anung mangyayari kung ganon din ang ginawa ng ibang tao sa Nanay o Lola ko ng kung sino at wala ako sa tabi nya para ipagtanggol siya.. sa mga kababayan natin intindihin natin ang mga nakakatanda satin, minsan nakakairita pero madadaanan din natin yan sa buhay natin na tatanda tayo wala tayong makakasama at solo nating haharapin at papasanin ang sarili natin, at kay manong tsuper naman alam kong business is business at mahirap kumita lalo na sa pamamasada ng jeep,pero minsan magkaroon ka ng konting hiya sa sarili mo hindi porke alam mong walang-wala at mas kaya mo papagsalitaan mo ng masasakit na salita pananapak ng pagkatao yang ginagawa mo sana nga pinakiusapan mo nalang hindi yung putak ka ng putak.. anyways share ko lang po ang istory ko kanina, salamat sa diyos at nakauwi naman ako ng matiwasay.. PEACE OUT !!! INGAT KAYO LAGI..









No comments:

how to unblock sun simcard 2021

  FREE VPN UNLIMITED INTERNET PHILIPPINES DOWNLOAD HERE MEDIAFIRE APK               DOWNLOAD 1 PLAYSTORE                        DOWNLOAD 2 A...