Kung maitatanong natin sa mga sarili natin san nga ba nanggagaling ang tsismis? malaking pursyento sa salitang tsismis ay malamang hindi totoo, Pero bakit nga ba kailangang gawin pa ng ibang tao ito para makapanira ng buhay ng may buhay? Para Umangat? Magpasikat? Magyabang?.. Napakahirap yata magsalita ng hindi totoo lalo na at may nagmamatyag satin sa itaas. Hindi ba pupwedeng isipin muna natin kung may masasaktan tayong damdamin o ikagagalit ng ating kaibigan, kapitbahay, kasamahan sa trabaho o minsan mismong kapamilya o kamag-anak pa natin ang nadadamay sa kati ng dila natin. Para sa sarili kong opinyon, galit ako sa mga taong mapanlait ng ibang tao, nakakabanas din yung pinagtsitsismisan ng hindi kaaya aya lalo na pag nakatalikod na, nakakaleche ng buhay ang mga ganyan. Pano Puksain ang mga Tsismosa? di ko rin alam, mas maganda kung HUWAG NALANG PANSININ ang mga ganyan pero minsan hindi ka pwedeng hindi magreact lalo na at walang katotohanan ang ikinakalat na maling balita tungkol sayo, may ibang tao gumaganti din pagtsinismis siya itsitsismis rin niya, hanggang sa barangay nalang mag uusap usap (mabuti kung maayos ng barangay captain haha), 2nd suggestion ko? COMFRONTATION kaso mukang gulo nanaman yun, hindi ka rin magiging malumanay kung kaharap mo tsismosa baka mahampas mo lang sa mukha ng kawali, siguro makiusap ka nalang sabihan mo na "wala namang ganyunan o ganyanan" ang 3rd? sunugin ng buhay! joke.. ibitin ng patiwarik joke ulit. haha,, mamili ka ng PAGKAKATIWALAANG TAO ng mga sikreto mo dahil kung sa maling tao mo naikwento at ang kwento mo hindi rin totoo dyan na kayo mag-aaway.
Sa totoo lang hirap ako mag-isip kung papano talaga mapupuksa ang mga salot sa lipunan tulad ng Tsismis, wala nang lunas, Parang Feeling ko nga salot din ako haha. Comment ka nalang kung may naisip ka pang solusyon dyan tutulog muna ko. puyat nanaman, goodmorning na pala... ;)
ISANG KANTANG HATID KO PARA SA MGA TSISMOSO'T TSISMOSA credits by king
kainin niyo po itong rap song na ito, peace out!
No comments:
Post a Comment