Ordinaryong araw noon nang balak kong magpagawa ng Cellphone dahil nasira sa kakagamit :) yung tipong kakapindot yata, nagpunta ako sa greenhills after kong pumunta ng agency dahil may kailangang asikasuhin sa trabaho. nang maisipan kong pumunta sa greenhills dahil marami nga raw pagawaan ng cellphone kaso napakamahal naman ng gawa kaya medyo sadface ako nung araw na yon, nagtip ang ate ko na pumunta ko ng quiapo dahil masmura daw ang pagawaan mas mababa kaysa sa una kong napuntahan kaya naisipan kong mag LRT na pinakamalapit sa greenhills mga alas dos narin ng hapon , sobrang init sa daan, nang makasakay na ng LRT bumaba ako ng pinakamalapit sa Recto, Rectong walang pagbabago. Ang mga pagawaan daw ng cellphone ay bandang simbahan ng quiapo, kaya naisipan ko munang magsigarilyo, bumili ako ng sigarilyo kay nanay at , kaya nagtanong ako kay nanay na nagtitinda ng Yosi at Medyas sa Kahabaan ng RECTO, "Nay, Saan ba Direksyon papuntang SIMBAHAN NG QUIAPO?" sumagot siya na "dun yun, dumirecho ka at kumanan" sabi ng matanda,,,,,,,bumili ako ng sigarilyo na may libreng candy binabayaran ko siya pero ayaw niya tanggapin ok na daw yun kasi bumili naman ako ng sigarilyo niya. Pag dating ko sa simbahan ng quiapo, nagulat akong wala naman palang pinagkaiba sa presyo ng greenhills so sad face nanaman ako :( ang ginawa ko nalang nag-ikot at bumisita sa simbahan. balak ko na talagang umuwi, around 5pm na ng hapon, feeling hungry na ko sa kalalakad kaya naisipan kong maghanap ng makakainan pero nagyosi na muna ako ulit, binalikan ko si Nanay, bumili ako ng isang Yosi at tinanong ko kung anung pangalan niya, sabi niya "ako? ako si LURING" e ilang taong na kayo? nakalimutan ko yung eksaktong edad niya pero naglalaro sa 70 to 80yrs old na siya, dun naman ako nag-usisa sa tinda niya, sabi ko naman "sa inyo din tong mga medyas na tinda?" oo daw, "magkano naman nay?" "50 para sa 3 pares" bago ko umalis bumili muna ako sa kaniya ng 5 sigarilyo, bago ko kumain sa katapat na foodchain. Habang nakapila ko alam kong inuuna ko na sa isip ko kung anung ibibili kong pagkain para sa kaniya kaya binilihan ko siya ng miryenda, pagkatapos ko kumain bumalik ako sa kaniya, "nay ubos na ba paninda?" tumawa lang siya, inisip ko din na iwanan siya ng konting pera pero naisip ko na hindi siya namamalimos dahil kumakayod sya sa edad nyang yun na napahanga din ako, kaya bumili nalang ako ng tinda niyang medyas. sabay abot ko ng miryendang binili ko para sa kaniya "Nay kain tayo" na kita ko naman na natuwa siya, "salamat anak" dun naman ako naspeechless ;D ......................... yung tipong nagustuhan ko reaksyon niya. Tinanong ko naman direksyon ng pa lrt at nagpaalam na rin ako "NAY LURING aalis napo ko" sabay lakad na palayo...... Gusto kong makapagpasaya kahit sa maliit na bagay na kaya kong gawen para sa iba lalo na sa mga nakakatanda, blessing sila para satin.
2019 UPDATE PO ITO SA PAGBISITA KO KAY NANAY LURING SA RECTO SHARE AND SUBSCRIBE!!!!! YOUTUBE : JER NOOBER
No comments:
Post a Comment