Saturday, November 03, 2018

Gusto ko maging OFW

Sa sobrang hirap ng buhay sa Pilipinas, naiisip kong makipagsapalaran nalang sa ibayong dagat , maliit ang sahod dito bilang empleyado, minsan naiisip ko na paano kung nangungupahan pa kami ng bahay sigurado titirik ang mata namin, yung sahod ng manager dito sa pinas e sahod lang ng isang ordinaryong empleyado pag nasa ibang bansa ka. Madami din ako dpat isa alang alang kung sakaling makaalis ako ng bansa nandyan na yung homesick sa magulang na nag-iisa nalang, karaniwang nakikita ko sa pinas pag wala kang pera, wala ka ring silbi sa mga kamag-anak mo na magulang mo lang makakaintindi sa mga problema mo sa buhay, gusto ko magkaroon ng magandang buhay kahit para nalang sa nanay ko. Magkaron siya ng sariling bahay, lupa at sasakyan. Yun naman tlga ang dahilan natin kaya tayo gustong umalis ng bansa. Ayoko ding maging madamot gusto ko happy lahat, gusto ko makatulong sa abot ng makakaya ko kaya gusto ko makaalis, ayokong tapaktapan nalang kahit magkaroon nalang sila ng galang kahit sa magulang ko nalang. Merong minamalas , merong sinuswerte iba ibang istorya sa buhay. Minsan mapapanood mo palang sa news sa TV ofw na namatay o nadisgrasya, di na ko takot sa ganun, pero sana swertehin. 

Saturday, March 17, 2018

Paboritong trabaho..

Sa loob po ng ilang taon, naging hobby ko na talaga ang pagblog , kahit na walang katuturan minsan mga publish ko dito pero salamat parin at hanggang ngayon may nakakabasa parin ng mga gusto kong ipaabot, sana ngayong taon puro may saysay naman ang mga post ko dito yung tipong makakatulong naman ako sa iba hindi yung puro kalokohan lang, yung pag tulong sa iba kahit sabihin mo pa na dukha ka lang, kahit gaano siguro kaliit ang isang bagay kung bukal sa puso mo ang magbigay sa kapwa e malaking bagay na para sa ibang tao, sa totoo lang kasi wala na din ako pakialam kung kumita man ako dito o hindi dahil hinahatak lang talaga ko pabalik ng page na to. Sana sapian ako ng kasipagan ngayong buwan na marso, daming plano pero walang natutupad ni isa sa mga pinangako ko. ang korny kasi ng blogger mobile e di ko maexpress yung gusto kong sabihin, siguro dahil di ako sanay sa maliit na cellphone. ibabalik ko yung dating ako na mahilig sa ganito , hintayin niyo lang. haha

how to unblock sun simcard 2021

  FREE VPN UNLIMITED INTERNET PHILIPPINES DOWNLOAD HERE MEDIAFIRE APK               DOWNLOAD 1 PLAYSTORE                        DOWNLOAD 2 A...