Monday, October 29, 2012

Basted ako! Hirap Pala Mareject ng Mahal mo..

Gudafternoon! Gusto ko lang mag share sa inyo ng experience ko "Kung paano mabasted?" oo ganun pala talaga ang pakiramdam masakit at parang gusto mong sumuko agad pero siguro lahat naman ng tao ay pinagdadaanan ang tinatawag na rejection minsan sa buhay naten mararanasan natin ito hindi lang sa panliligaw kundi sa lahat ng bagay.. ito ang kwento ko (sarap tumalon sa bangin haha)


Nakilala ko itong girl na to nang nagapply kami ng bestfriend ko sa gusto naming mapasukan somewhere in Alabang,  kanina ko pa sya napapansin una palang niyang pumasok kahit late na siya dumating, siya ay may mahabang buhok, maputi, may magandang hugis ng mukha, may balingkinitang katawan at maganda siya, Gusto kong magpapansin sa kaniya pero mukha siyang seryoso. Gabi na nang pauwiin kami ng HR sa wakas at natanggap din ako at sigurado naman ako natanggap sya, malakas ang ulan ng gabing iyon pero alam ko naman na okay lang dahil lagi akong may dala-dalang payong sa bag ko, pero nakita ko siya na naglabas ng payong at napatingin ako sa kaniya na parang nagpapaawa pa, mabait siya at inalok niya kong sumilong sa payong niya, nang mga oras na iyon wala na kong pakialam sa iba pang mga bagay kahit yung mga nakasabay ko sa applyan ay iniwan ko na, kinuha ko ang payong at siya ang pinayungan ko at kahit mabasa ako ay ayos lang naman, hindi pa kami nagtatagal ng paglalakad ay nakipagkwentuhan ako sa kaniya mga 6:30pm na ang oras at parang bagyo ang ulan hindi ako makapagsalita ng mga panahong iyon sa kaba hehe.. ang ginawa ko nalang ay kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at sabay sabing "pwede ko bang makuha ang number mo? kung okay lang sayo" kinakabahan ako dahil di ko naman gawain ang manghingi agad ng number ng isang girl pero nilakasan ko nalang ang loob ko. ang sabi niya naman "hala!" akala ko ay hindi niya ibibigay pero habang pinapayungan ko siya ay dinikta niya sa akin ang kanyang number at sabay sabing "carol nalang" at sabi ko "jericho din pala.." di ko makalimutan ang tingin niya sakin at pagkadinig ko sa malamig niyang boses. Alam kong love at first sight talaga ang nangyari sakin, marami dyan ibang babae pero iba ang dating niya sakin, yung tipong seseryosohin mo siya at mamahalin mo ng tapat. Pagsakay ko sa jeep ay patila na ang malakas na ulan pero nasa isip ko na siya palagi simula noon nagmessage ako sa binigay niyang number sa akin "hello ito pala number ko si jericho ito pauwi na ako" nagreply siya ng "sige ingat po sa pag-uwi" pagkatapos non ay lagi ko na siyang katext minu-minuto, sinabi ko na rin na gusto ko siya kahit mahal ko na siya noon alam kong mabilis pero ayoko siyang mailang at ayaw ko ring patagalin, tinanggap naman niya ang mga sinabi kong yun. Nagkaroon kami ng pustahan na kapag naka 4000 messages ako sa kanya ay ililibre niya ko ako sa gusto kong lugar paghindi ko naman naabot yon ay ititreat ko siya at pumayag naman ako sa usapan naming iyon. Nagsimula na rin kaming magtrabaho at masaya talaga ako tuwing nakikita ko siya parang kumpleto lagi ang araw ko at hindi napapagod sinabi ko na sa kaniya na mahal ko na siya at gusto ko siyang ligawan pero pinigilan niya ako at bakit daw hindi ako maghanap ng iba sabi ko naman ay siya lang ang gusto ko sinabi niya yun dahil di pa daw siya nakakapagmove-on sa ex-boyfriend niya sabi niya ay kahit anong pilit niya ay kaibigan lang ang turing niya sa akin pero hindi pa naman kami nagsasama daw ng matagal kaya hindi niya pa sure, tinanong niya pa kung kaya kong maghintay, oo naman agad ang sagot ko dahil alam kong masasaktan ako paglumayo ako sa kaniya. pero nag iba ang pakikitungo niya sa akin pagkatapos ang ilang araw namin sa trabaho, hindi na siya madalas magtext at di na rin niya sinasagot ang mga tanong ko sa kaniya, nahihirapan na ko ng mga panahong yon tuwing break ko ay tingin agad sa cellphone kung meron syang message pero wala at pag-out niya sa gabi ay minsan ay 11pm na siya nagtetext at sabay magsasabing matutulog na siya noon naman ay pagkalabas palang niya ng 8:30pm ay meron na siyang text sa akin. Nakakarining ako ng usap-usapang may sumusundo daw sa kaniya gabi-gabi at hinahatid siya siguro kaya siya nagbago at katrabaho rin namin yung guy tinatanong ko siya kung totoo pero hindi siya nasagot sa akin ang ibig sabihin ay totoo nga. hindi rin siya nagsabi ng totoo nung sinabi niya na ako lang ang katext niya pero umamin sya sa akin na pinayagan nya na manligaw yung lalaki at para ngang nagugustuhan niya na niya dahil mukha namang seryoso, Parang dinudurog ang puso ko nung narinig ko yun sa kaniya sabi niya sa akin ay gusto parin niya kong maging kaibigan at tuloy parin ang plano namin pagpunta sa tagaytay pero sabi ko ay di ko siya kayang  maging kaibigan, di ko maibibigay yung bagay na iyon sa kaniya dahil masakit para sakin. di ko napansin at tumulo na ang luha ko na may kasamang pagbilis ng tibok ng puso ganon pala talaga ang pakiramdam gusto mong sumabog ka nalang. huli kong message sa kaniya ay "mahal kita lagi mong tandaan wag ka papaloko sa iba nandito lang ako" na parang may halong bitterness. hindi ko na siya nireplyan kagabi at madaling araw na ko nakatulog kakaisip ko kay caroline. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito kasakit... gusto kong sumigaw para mabawasan man lang ang lungkot at sakit na nararamdaman ko pero wala kong magawa di ko na alam ang mga susunod na mangyayare, lagi kong naaalala kung pano kami nagkakilala yung mga ngiti nyang nakakapagpasigla sa akin. Sa oras na ito wala akong pasok sa trabaho ko, paano bukas? kung makita ko ulit siya? ano magiging reaksyon ko.. mahirap isipin na hindi mo pa nasisimulan ay pinapatay na ang pag-asa mo, alam kong nagkulang ako sa effort at di ko siya pinahalagahan akala ko ay maaayos lahat sa simpleng bagay. Sa ngayon di ko talaga alam kung paano matatapos ang sakit sana malampasan ko rin to... 



Wednesday, October 10, 2012

Kung Ako Ba Siya by Khalil Ramos

favorite ko tong kantang ito na kinanta ni khalil ramos soundtrack ng princess & I sa channel 2, nakakarelate ako ng konti naaalala ko si Caroline hehe... binulgar talaga wel diary nga diba wlang pakialamanan hehe. lalagay ko na rin lyrics ha

Lyrics of Kung Ako Ba Siya – Khalil Ramos
Matagal ko nang itinatago
Mga ngiti sa munti kong puso
Batid kong alam mo nang umiibig sa ‘yo.
Bakit hindi mo pansin itong aking pagtingin
Ba’t di mo ramdam ang tibok nitong dibdib
Kaibigan lang pala ang tingin mo sa akin.

Kung ako ba siya, mapapansin mo?
Kung ako ba siya, mamahalin mo?
Ano bang mayro’n siya na wala ako?
Kung ako ba siya, iibigin mo?
Hmmmm….

Masakit ko mang isipin
Mahirap mang tanggapin sa damdamin
Pag-ibig mo pala’y hindi sa akin.
Ngunit anong gagawin ng puso
Sa ‘yo lang ibinigay ang pangako
Patuloy nga namang aasa sa ‘yo, sinta..

Kung ako ba siya, mapapansin mo?
Kung ako ba siya, mamahalin mo?
Ano bang mayro’n siya na wala ako?
Kung ako ba siya, iibigin mo?

Ikaw lamang ang inibig nang ganito
Sabihin mo kung paano lalayo sa ‘yo.

Kung ako ba siya, ooohhh
Kung ako ba siya, mamahalin mo?
Ano bang mayro’n siya na wala ako?
Kung ako ba siya, kung ako ba siya…
oohhhhh ooooohhhh

iibigin mo….



Tuesday, October 09, 2012

Anti-Cybercrime Law in the Philippines

Marami sa atin ang tumaas ang kilay sa panukalang ito na papatawan ng parusa ang mga gumagamit ng social networking sites sa pilipinas at sasampahan ng libel, ito ay kung magpost ka ng hindi magandang idea o ultimong maglike lang sa facebook, twitter o iba pang social networking site, pupwede kang makulong ng 12 years, Hindi kaya MAGSIKSIKAN TAYO SA KULUNGAN nyan? ginawa ito upang mabasawan ang pangbubuli at iba pang krimen tulad ng cybersex at pornograpiya, magkakaron din ng pahintulot ang kinauukulan upang ipa sara o ipaban ang mga hindi magandang nilalaman ng website mo pero pano,? pano huhulihin ang mga may sala kung milyon milyon ang gumagamit nito dito palang sa pilipinas at kadalasan ay naishe-share lang mula sa ibang bansa, matatandaan naten na ang ibang mga bansa ay ban na ang facebook dahil sa kawalan nito ng privacy o halos wala ka nang itago sa buhay mo at nilahad mo na lahat simula sa pagkain mo, saan ka pupunta o anong event ang mangyayare sa buhay mo. Sabi ng iba kawalan daw ito ng freedom of speech, nasa isang bansang may demokrasya nga naman tayo kaya bakit sa facebook o twitter may marshall law narin? si Senator Tito Sotto ang nagsusulong na maitupad agad ang batas na ito, na matatandaang na di umano ay ginaya ang speech ng isang presidente sa states na tinagalog lang, at mataas ang posibilidad na ipatupad na ito ni President Noynoy Aquino sa pilipinas (saktong sakto nga noh?) kaya nga nabuli si Tito Sen sa internet ng maraming tao karamihan ay kabataan, ginagawa niya kaya ito para sa paghihiganti sa nangyari sa kaniya? ang facebook at twitter ay isang medium ng paglalabas ng ideya o nasasaloob pero maging matalino din sana tayo sa pagpopost ng mga bagay-bagay na hindi nakakasakit sa damdamin ng ibang tao, pero hindi rin naman tama na alisin ang karapatan na mamahayag o magsabi ng katotohanan, kayo ano sa tingin niyo ang dapat?

how to unblock sun simcard 2021

  FREE VPN UNLIMITED INTERNET PHILIPPINES DOWNLOAD HERE MEDIAFIRE APK               DOWNLOAD 1 PLAYSTORE                        DOWNLOAD 2 A...