Saturday, December 29, 2012

Kaarawan ni Batik Jozen Patrick

Happy birthday Tagpe salamat sa pagimbita, kahit medyo late na kami nakarating mag 1am makulet ka paren pero kahit magisa ako pupunta ko apat na chicks kasama ko hehe,,

 picture muna bago punta sa birthday boy gabing gabi na with ferlyn and beverly
 OPENING TEAM! ang mga taong hayok at lolong sa deliver ang unang pumunta sa bahay nila jozen
 pinakamatikas pinakamabangis xian lim look a like ahahaha Francis Ceriza ang kilabot ng mga chicks sa gaisano, manyakis nga lang ahaha malupet at tirador sa package counter..
 si diana kasama ako pagout sa metro
 ang baby kong c ferlyn ahaha joke lang wala trip lang angal kayo?
 ganda paren kahit madaling araw na
 kulitan sa lungga ni tagpe
 ferlyn, caroline and roan, cutie pie hehe
 ako kasama ang mga chicks haha
 todo smile naman hehe
 nguso mo roan ang haba
ano bang masasabi ko sa huling picture na ito? parang no comment ako kayo nalang humusga.. badtrip paguwe namen sa totoo lang pero ok lang birthday naman ni batik kaya walang hasle nagkaproblema lang talaga, sana maulet muli tong pagsasama sama naten kahit parang malabo na ulet mangyare, habol ko lang sa mga bulaan papatayin ko kayo lahat, hehe peace! basta tignan nalang ang susunod pang kabanata kaurat lang hehe bye bye..

Monday, October 29, 2012

Basted ako! Hirap Pala Mareject ng Mahal mo..

Gudafternoon! Gusto ko lang mag share sa inyo ng experience ko "Kung paano mabasted?" oo ganun pala talaga ang pakiramdam masakit at parang gusto mong sumuko agad pero siguro lahat naman ng tao ay pinagdadaanan ang tinatawag na rejection minsan sa buhay naten mararanasan natin ito hindi lang sa panliligaw kundi sa lahat ng bagay.. ito ang kwento ko (sarap tumalon sa bangin haha)


Nakilala ko itong girl na to nang nagapply kami ng bestfriend ko sa gusto naming mapasukan somewhere in Alabang,  kanina ko pa sya napapansin una palang niyang pumasok kahit late na siya dumating, siya ay may mahabang buhok, maputi, may magandang hugis ng mukha, may balingkinitang katawan at maganda siya, Gusto kong magpapansin sa kaniya pero mukha siyang seryoso. Gabi na nang pauwiin kami ng HR sa wakas at natanggap din ako at sigurado naman ako natanggap sya, malakas ang ulan ng gabing iyon pero alam ko naman na okay lang dahil lagi akong may dala-dalang payong sa bag ko, pero nakita ko siya na naglabas ng payong at napatingin ako sa kaniya na parang nagpapaawa pa, mabait siya at inalok niya kong sumilong sa payong niya, nang mga oras na iyon wala na kong pakialam sa iba pang mga bagay kahit yung mga nakasabay ko sa applyan ay iniwan ko na, kinuha ko ang payong at siya ang pinayungan ko at kahit mabasa ako ay ayos lang naman, hindi pa kami nagtatagal ng paglalakad ay nakipagkwentuhan ako sa kaniya mga 6:30pm na ang oras at parang bagyo ang ulan hindi ako makapagsalita ng mga panahong iyon sa kaba hehe.. ang ginawa ko nalang ay kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at sabay sabing "pwede ko bang makuha ang number mo? kung okay lang sayo" kinakabahan ako dahil di ko naman gawain ang manghingi agad ng number ng isang girl pero nilakasan ko nalang ang loob ko. ang sabi niya naman "hala!" akala ko ay hindi niya ibibigay pero habang pinapayungan ko siya ay dinikta niya sa akin ang kanyang number at sabay sabing "carol nalang" at sabi ko "jericho din pala.." di ko makalimutan ang tingin niya sakin at pagkadinig ko sa malamig niyang boses. Alam kong love at first sight talaga ang nangyari sakin, marami dyan ibang babae pero iba ang dating niya sakin, yung tipong seseryosohin mo siya at mamahalin mo ng tapat. Pagsakay ko sa jeep ay patila na ang malakas na ulan pero nasa isip ko na siya palagi simula noon nagmessage ako sa binigay niyang number sa akin "hello ito pala number ko si jericho ito pauwi na ako" nagreply siya ng "sige ingat po sa pag-uwi" pagkatapos non ay lagi ko na siyang katext minu-minuto, sinabi ko na rin na gusto ko siya kahit mahal ko na siya noon alam kong mabilis pero ayoko siyang mailang at ayaw ko ring patagalin, tinanggap naman niya ang mga sinabi kong yun. Nagkaroon kami ng pustahan na kapag naka 4000 messages ako sa kanya ay ililibre niya ko ako sa gusto kong lugar paghindi ko naman naabot yon ay ititreat ko siya at pumayag naman ako sa usapan naming iyon. Nagsimula na rin kaming magtrabaho at masaya talaga ako tuwing nakikita ko siya parang kumpleto lagi ang araw ko at hindi napapagod sinabi ko na sa kaniya na mahal ko na siya at gusto ko siyang ligawan pero pinigilan niya ako at bakit daw hindi ako maghanap ng iba sabi ko naman ay siya lang ang gusto ko sinabi niya yun dahil di pa daw siya nakakapagmove-on sa ex-boyfriend niya sabi niya ay kahit anong pilit niya ay kaibigan lang ang turing niya sa akin pero hindi pa naman kami nagsasama daw ng matagal kaya hindi niya pa sure, tinanong niya pa kung kaya kong maghintay, oo naman agad ang sagot ko dahil alam kong masasaktan ako paglumayo ako sa kaniya. pero nag iba ang pakikitungo niya sa akin pagkatapos ang ilang araw namin sa trabaho, hindi na siya madalas magtext at di na rin niya sinasagot ang mga tanong ko sa kaniya, nahihirapan na ko ng mga panahong yon tuwing break ko ay tingin agad sa cellphone kung meron syang message pero wala at pag-out niya sa gabi ay minsan ay 11pm na siya nagtetext at sabay magsasabing matutulog na siya noon naman ay pagkalabas palang niya ng 8:30pm ay meron na siyang text sa akin. Nakakarining ako ng usap-usapang may sumusundo daw sa kaniya gabi-gabi at hinahatid siya siguro kaya siya nagbago at katrabaho rin namin yung guy tinatanong ko siya kung totoo pero hindi siya nasagot sa akin ang ibig sabihin ay totoo nga. hindi rin siya nagsabi ng totoo nung sinabi niya na ako lang ang katext niya pero umamin sya sa akin na pinayagan nya na manligaw yung lalaki at para ngang nagugustuhan niya na niya dahil mukha namang seryoso, Parang dinudurog ang puso ko nung narinig ko yun sa kaniya sabi niya sa akin ay gusto parin niya kong maging kaibigan at tuloy parin ang plano namin pagpunta sa tagaytay pero sabi ko ay di ko siya kayang  maging kaibigan, di ko maibibigay yung bagay na iyon sa kaniya dahil masakit para sakin. di ko napansin at tumulo na ang luha ko na may kasamang pagbilis ng tibok ng puso ganon pala talaga ang pakiramdam gusto mong sumabog ka nalang. huli kong message sa kaniya ay "mahal kita lagi mong tandaan wag ka papaloko sa iba nandito lang ako" na parang may halong bitterness. hindi ko na siya nireplyan kagabi at madaling araw na ko nakatulog kakaisip ko kay caroline. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito kasakit... gusto kong sumigaw para mabawasan man lang ang lungkot at sakit na nararamdaman ko pero wala kong magawa di ko na alam ang mga susunod na mangyayare, lagi kong naaalala kung pano kami nagkakilala yung mga ngiti nyang nakakapagpasigla sa akin. Sa oras na ito wala akong pasok sa trabaho ko, paano bukas? kung makita ko ulit siya? ano magiging reaksyon ko.. mahirap isipin na hindi mo pa nasisimulan ay pinapatay na ang pag-asa mo, alam kong nagkulang ako sa effort at di ko siya pinahalagahan akala ko ay maaayos lahat sa simpleng bagay. Sa ngayon di ko talaga alam kung paano matatapos ang sakit sana malampasan ko rin to... 



Wednesday, October 10, 2012

Kung Ako Ba Siya by Khalil Ramos

favorite ko tong kantang ito na kinanta ni khalil ramos soundtrack ng princess & I sa channel 2, nakakarelate ako ng konti naaalala ko si Caroline hehe... binulgar talaga wel diary nga diba wlang pakialamanan hehe. lalagay ko na rin lyrics ha

Lyrics of Kung Ako Ba Siya – Khalil Ramos
Matagal ko nang itinatago
Mga ngiti sa munti kong puso
Batid kong alam mo nang umiibig sa ‘yo.
Bakit hindi mo pansin itong aking pagtingin
Ba’t di mo ramdam ang tibok nitong dibdib
Kaibigan lang pala ang tingin mo sa akin.

Kung ako ba siya, mapapansin mo?
Kung ako ba siya, mamahalin mo?
Ano bang mayro’n siya na wala ako?
Kung ako ba siya, iibigin mo?
Hmmmm….

Masakit ko mang isipin
Mahirap mang tanggapin sa damdamin
Pag-ibig mo pala’y hindi sa akin.
Ngunit anong gagawin ng puso
Sa ‘yo lang ibinigay ang pangako
Patuloy nga namang aasa sa ‘yo, sinta..

Kung ako ba siya, mapapansin mo?
Kung ako ba siya, mamahalin mo?
Ano bang mayro’n siya na wala ako?
Kung ako ba siya, iibigin mo?

Ikaw lamang ang inibig nang ganito
Sabihin mo kung paano lalayo sa ‘yo.

Kung ako ba siya, ooohhh
Kung ako ba siya, mamahalin mo?
Ano bang mayro’n siya na wala ako?
Kung ako ba siya, kung ako ba siya…
oohhhhh ooooohhhh

iibigin mo….



Tuesday, October 09, 2012

Anti-Cybercrime Law in the Philippines

Marami sa atin ang tumaas ang kilay sa panukalang ito na papatawan ng parusa ang mga gumagamit ng social networking sites sa pilipinas at sasampahan ng libel, ito ay kung magpost ka ng hindi magandang idea o ultimong maglike lang sa facebook, twitter o iba pang social networking site, pupwede kang makulong ng 12 years, Hindi kaya MAGSIKSIKAN TAYO SA KULUNGAN nyan? ginawa ito upang mabasawan ang pangbubuli at iba pang krimen tulad ng cybersex at pornograpiya, magkakaron din ng pahintulot ang kinauukulan upang ipa sara o ipaban ang mga hindi magandang nilalaman ng website mo pero pano,? pano huhulihin ang mga may sala kung milyon milyon ang gumagamit nito dito palang sa pilipinas at kadalasan ay naishe-share lang mula sa ibang bansa, matatandaan naten na ang ibang mga bansa ay ban na ang facebook dahil sa kawalan nito ng privacy o halos wala ka nang itago sa buhay mo at nilahad mo na lahat simula sa pagkain mo, saan ka pupunta o anong event ang mangyayare sa buhay mo. Sabi ng iba kawalan daw ito ng freedom of speech, nasa isang bansang may demokrasya nga naman tayo kaya bakit sa facebook o twitter may marshall law narin? si Senator Tito Sotto ang nagsusulong na maitupad agad ang batas na ito, na matatandaang na di umano ay ginaya ang speech ng isang presidente sa states na tinagalog lang, at mataas ang posibilidad na ipatupad na ito ni President Noynoy Aquino sa pilipinas (saktong sakto nga noh?) kaya nga nabuli si Tito Sen sa internet ng maraming tao karamihan ay kabataan, ginagawa niya kaya ito para sa paghihiganti sa nangyari sa kaniya? ang facebook at twitter ay isang medium ng paglalabas ng ideya o nasasaloob pero maging matalino din sana tayo sa pagpopost ng mga bagay-bagay na hindi nakakasakit sa damdamin ng ibang tao, pero hindi rin naman tama na alisin ang karapatan na mamahayag o magsabi ng katotohanan, kayo ano sa tingin niyo ang dapat?

Sunday, September 23, 2012

Crossfire Philippines Ickong rank up to 1st lieutenant

sa wakas nagrank up din ang character ko sa crossfire ph, kakapagod din magmission at magpalevel everyday, hirap ding umiwas sa cheater at scammer kaya ingat ingat guys!




 HERES YOUR FREE 50, 40 and 20 ECOIN from ECHOES25 BLOG FOR VISITING THIS SITE CLICK BELOW once a day only:
unahan nalang po kayo thanks.

[SLOT 1] 50 ECOIN --------------- http://adf.ly/BUjy7
[SLOT 2] 40 ECOIN 2CARDS --- http://adf.ly/BUhra
[SLOT 3] 20 ECOIN --------------- http://adf.ly/AiVWD


free 50,40 (2cards),20 ecoin updated every 8:00am daily

Monday, September 17, 2012

I am COMELEC Registered

sa tagal ng panahon ngayon lang ako nakapagparehistro sa munisipyo ng Las Piñas tumanda ako ng 23 ngayon ko lang naisip, tinatamad din kasi ako bumoto sinong iboboto? baka corrupt pa maboto ko well anyways mabilis naman ang proseso nila step by step at hindi ka malilito sa pagreregister at mabilis pa. ikaw kung di pa rehistrado (ika nga ni Sarmiento) Aba e MAGPAREHISTRO KANA!

STEP 1
pumunta lang sa inyong munisipyo, Kailangan mo ng isang Valid ID para makapagparehistro sa comelec sample ng pwedeng ID? dapat nakaaddress sa City kung saan ka magpaparehistro.
-Driver's License
-Postal ID
-Passport
-School ID (kung student)
-Tin ID (galing BIR)
-NBI clearance
ichecheck ng kawani ng comelec kung pupwede ba ang dala mong id

Kung ikaw ay bago palamang magpaparehistro bibigyan ka ng 3 pages na form application at fifill upan mo lang, sa loob ng form, kasama na doon ang name, address, citizenship, sex,  kung single o may asawa at napakaraming pirma meron ding kailangang thumb mark kung hindi ako nagkakamali 12 thumb marks ang kailangan ng form na iyon.

STEP 2 & 3

Ibigay sa kawani ng comelec ang nafill-up na form at ililista nila kung saang presinto ka pwede

STEP 4

iincode sa computer ang data galing sa nafill-upan na form at pipicturan gamit ang webcam kasama narin doon ang pagkuha ng digital na thumbmark upang maiupload sa computer (kukunin sa thumbmark ang kaliwa't kanang hintuturo at hinlalaki)

STEP 5

ang pagaapruba ng comelec sa inyong application at rehistrado kana.
madali lang talaga sa panahon ngayon dahil digital na lahat hindi tulad noon na matatagalan ang proseso salamat sa makabagong teknolohiya at di na rin nagtagal ang pagpaparehistro ko sa COMELEC

Wednesday, September 12, 2012

nothing new nothing special

hello people! nagsulat ako dahil wla kong magawa (yun lang dahilan?) nalasing din ako kagabi kasama ko si pareng rey venancio, sayang lang at kami lang umalis na kasi ng bansa ang isa nameng bestfriend na si fred condes, tulad parin ng dati wala paring trabaho anong gagawen? e di maginternet maghapon at magyosi. kapagod din palang maging unemployed di ka na nakakatulong tumataba kapa at walang exercise, hayy buhay sana nga at makapagabroad narin ako at sana din makuha ko na diploma ko sa school imagine 3  years na di pa narerelease? anak ng tokwang school yan pinagraduate kame tapos paghihintayin at kailangan ikaw pa ang umasikaso! tsk tsk,, kayo anong ginagawa nyo ngayon? may bago ba? kwento ka naman..

Sunday, September 09, 2012

Bridal Mask (각시탈) Gaksital Review


the Popular Korean manhwa by Huh young man, si Lee Kang to (Joo Woon) at Oh mok dan ang main characters sa Bridal mask story, nung una hindi ko talaga inaasahan na magiging bida pala si Lee kang to sa palabas na ito dahil biglaan ko lang napanood ito sa KBS world at hindi ko rin inaasahan na mawawala agad si Lee kang san (shin hyun jun) dahil sya ang original na bridal mask. si Lee Kang to ay isang Japanese Policeman na galing sa pamilya ng Joseon na sinakop ng hapon ng panahon ng 1930's pero tutol ang mga magulang niya dahil namatay ang ama nila at tinorture ang kapatid nyang si Lee kang san sa kamay ng mga hapon. Upang makalaya si Lee kang san sa pagkakakulong nagpanggap siyang baliw sa mga pulis para makalaya at makasama ang pamilya which is the original bridal mask. Nagsuot sya ng maskara para mapagtanggol ang mga naaapi at ipaghiganti ang ama na naging mortal na kaaway ng kanyang kapatid na si lee kang to na walang idea na sya si bridal. Nang isang gabi ay pinuntahan ng mga pulis ang bahay ng pamilya ni lee kang to sa paghihinala na kapatid nya si bridal mask na si lee kang san at nabaril ang kanilang ina, Sa paghabol ni lee kang san sa bumaril na si Kimura Kenji (Park Joo hyung) biglang dumating si lee kang to hanggang sa napatay at nabaril ni lee kang to si bridal mask na kaniya palang kapatid, doon natauhan si lee kang to na ipagpatuloy ang naumpisahan ang nasimulan ng kapatid at sya ang magsuot ng maskara. binalikan ni lee kang to ang headquarters ng jong ro police station para hanapin si kimura kenji na may sala sa pagpatay sa kanilang ina, Binalikan nya ito na nakasuot ng bridal mask napatay niya ito sa harap ng matalik nyang kaibigan at kapatid nito na si Kimura Shunji (Park Ki Woong) na nagtulak dito para maging police ng hapon upang mahuli sya. Dito na nagsimula ang rivalry ng dalawa hindi lang sa paghaharap kundi sa pag-ibig ni Oh mokdan (Jin Se Yeon) na anak ng freedom fighter na si Dam sari (Jeon no min),Kababatang maituturing ni lee kang to si mokdan na pinangakuan nya na poprotektahan kahit anung mangyari pero naiwan ito sa kamay ng mga tulisan at don sila ngkawalay hanggang pag tanda, Kinamumuhian ni mokdan si lee kang to dahil ito ang dahilan ng pagsistenya sa kanyang ama ng kamatayan dahil sa paglaban sa mga hapon na malapit naman nung una kay Shunji. Nang Lumaon lumaki na ang paghihinala ni shunji kay lee kang to dahil sa madalas na pagliban nito sa trabaho at tuwing lumalabas si bridal mask ay lagi itong nawawala, dumating si Ueno Rie o Rara (Han chae ah) na anak ng Presidente ng Kishokai organization kasama ang kanyang bodyguard na si Katsuyama Jun (Ahn Hyung Joon), misyon nila na mawala ang hadlang sa daan ng kishokai para sa ikagaganda ng future ng japan kahit sino pa ang masagasaan, Pero ang madilim na nakaraan ni rara ay isa syang gisaeng at Joseon at inampon lang sya ng presidente para tumayong anak nito, si Rara din ang iniligtas ni Lee kang to 5years ago na muntik na itong mapatay ng bodyguard ng presidente ng kishokai na si Ginpei Gato (Bruce khan). si Rara din ang nakadiskubre na si Kang to ay si bridal mask rin pero hindi nilihim nya ito sa kanyang ama at kay shunji. ang Kishokai ang pilit hinuhunting ng bridal mask upang mapatay ang mga ito at mapigilan sa masasamang gawain. ang Kishokai din ang pinasukang organisasyon ni shunji para magkaroon ng kapangyarihang mahuli si bridal mask, nang hingi si shunji ng tulong sa Presidente at hiniram nito ang alalay na si Ginpei, habang nililigtas ni bridal mask ang kasamahan na reporter at freedom fighter, ay tinalo sya nito at dito tinanggal ni shunji ang maskara ng bridal mask. hindi muna pinaalam ni shunji kay lee kang to na alam niya na ang sikreto nito, upang mahuli niya sina Yangbaek at dongjiin, isang gabi pinagplanuhan nilang nakawan ang armory ng jongno police station para maisakatuparan na ang planong pagaaklas ngunit nahuli si bridal mask ng mga pulis ng jongno station. sa bandang huli ay di pa cgurado kung nakamit nga nila ang kalayaan laban sa mga hapon pero nagkaroon sila ng pagkakataon para lumaban.. magandang ending para sa mgandang istorya sana ay magkaroon pa ng marami pang series na ganito kaganda..














How to Unlock your SmartBro Plug it (openline)

Marami sa atin ang namomroblema pagdating sa mga connection ng usb modem naten kaya gusto nating mapili ang pinakamabilis at no hastle na internet connection, sa totoo lang it depends on your location, ano ba talaga ang pinakamabilis? Smartbro plug-it, Globe Broadband, o Sun? sa tagal kong nagsesearch kung pano maopenline ang smartbro plug-it ko para masubukan ko kung mas mabilis nga sa ibang network ito ang pinakamahusay na nakita ko para maopenline ang usb modem ninyo.

STEP 1: 
kopyahin ang IMEI number sa likod ng smartbro plug it ilagay niyo sa notepad o kaya sulat niyo sa papel

STEP 2:
Alisin ang sim ng smartbro plug-it at palitan ng ibang sim like globe o sun saka nyo isalpak ang usb modem sa pc o laptop. Mapapansin niyo na kailangan ng unlock code para gumana ang ibang sim sa usb niyo so need niyo na magdownload ng code generator para matanggal o malaman ang unlock code

STEP 3:
Magdownload ng Universal Master Code application para makapaggenerate ng code

DOWNLOAD   http://adf.ly/CgXU6

STEP 4:
Iopen ang Universal master code,
make sure na nakaselect ang HUAWEI sa taas dahil ito ang modem ninyo
Ilagay ang 15 digits IMEI number at icalculate
at kopyahin ang unlock code.

STEP 5:
bumalik sa smartbro plugit dashboard at itype ang unlock code para matanggal ang password sa usb modem ninyo. at pwede niyo nang salpakan ng ibang sim ang smartbro plugit ninyo

Step 6: 
kung may signal na ang ibang network simcard
gumawa ng bagong profile sa dashboard
sundan lang ito:

TOOLS>OPTIONS> PROFILE MANAGEMENT

sundan lang ang settings

GLOBE BROADBAND

  • Profile name: Globe Broadband
  • Static
  • Apn: http.globe.com.ph
  • Access number: *99***1#
  • edit advance settings choose CHAP
SUN
  • Profile name: Sun Broadband
  • Static
  • Apn: minternet
  • Access number: *99#
  • edit advance settings choose PAP
SMART

  • Profile name: Smart Broadband
  • Static
  • Apn: internet
  • Access number: *99#
  • edit advance settings choose PAP



NEED FREE INTERNET? CHECK THIS FOR FREE NET FOR SMARTBRO

TIPS AND TRICKS
CLICK HERE
http://adf.ly/Mmxbs

Wednesday, September 05, 2012

Marvel VS. Capcom 3 Fate Of Two Worlds

Ang pinakafavorite kong game na versus fighting ay mayroon nanamang pinakabagong kasisiyahan, matapos mailabas ang marvel vs. capcom 3 edge of heroes may sumunod pa at maskumpleto ang characters. malalaro mo ito sa console ng XBOX 360.

naisama na rin dito ang isa sa pinakasikat na comic hero ng marvel na si thor (akalain mong dati backround lang sya ngayon isa na sya sa pinaguunahang mapili ng players ngayon)

naisama narin dito si Zero na kasangga ni megaman, gaya ng inaasahan ko 3 versus 3 parin ang labanan 
asahan ang mas full pack na heroes sa pinakabagong game na ito at mga bagong dating na villains


siguradong mageenjoy nanaman kayo sa paglalaro nito sa xbox 360 maging ako ay excited narin para sa larong ito.


DOWNLOAD  FULL GAME

MEDIAFIRE      http://adf.ly/MpId6

FILESERVE       http://adf.ly/MpIlz

HOTFILE           http://adf.ly/MpIss

RAPIDSHARE   http://adf.ly/MpJ19


Friday, August 24, 2012

Motorist Mauls MMDA Traffic Enforcer in the Philippines

Kamakailan lang ay lumabas sa news at social networking sites ang pananakit ng isang motorista sa isang traffic enforcer sa Quezon city, habang nagtatraffic si Mang Saturnino Fabros ay nilapitan siya ng Motoristang si Robert Blair Carabuena dinuro duro at sinampal sa mukha dahil sa away trapiko. Mabuti at nakuhanan ito ng isang istasyon ng telebisyon at ginawang ebidensya sa Media.

SEE THE VIDEO ON YOUTUBE
click here---->   Motorist Mauls MMDA Traffic Enforcer

Talaga namang hindi makataruan ang manakit ng isang nakauniformeng MMDA lalo na sa gitna ng serbisyo at sa harap ng ibang motorista isa itong kabastusan sa pangalan ng MMDA. hindi dapat tinotolerate ang mga ganitong pangyayare lalo na at dumarami sa Pilipinas ang mga hindi sumusunod sa batas trapiko. Hindi rin dahilan na ikaw ay may kaya para manapak ng pagkatao ng iba dahil sa sarili mong pagkakamali, dapat lang na maparusahan ang mga ganyang tao na pilit tayong nilulubog sa gitna ng kahirapan dahil sa abusadong gawa. si Robert Blair Carabuena ay nagpublic apology na sa MMDA at kay Mang Saturnino Fabros at tinanggap naman niya ito ngunit may kaukulang parusa parin na ipapataw ang MMDA para sa kasong ito. Magsilbi sanang aral ang nangyaring ito at huwag laging init ng ulo ang pinapairal lalo na pag nasa lansangan tayo, sumunod sa batas trapiko para walang maging problema.

Monday, August 13, 2012

My Filipino Blog [Pinoy Blogger]

Welcome sa aking tagalog blog, naisip ko magblog para naman maikwento ko ang sarili ko at iba pang bagay na useful sa ibang tao parang online diary kumbaga. naisip ko tagalog nalang bago pa iba ang maintindihan ng mga readers pag english pa. para maexpress ko ng mabuti mga gusto kong sabihin. di rin naman ako ganun kagaling sa english baka tawanan niyo lang lalo mga sinulat ko [haha] well para to sa pinoy kung hindi ka pinoy translate mo nalang madali lang naman. alam kong hindi lang pinoy ang makakabasa kundi buong mundo pero masmaganda narin yung tagalog, isa pa hindi lang naman ang blog na to ang tagalog marami pang iba at sumisikat pa. Gusto ko talaga ang pagsusulat. Salamat nga pala sa view mo, join ka sa site na to o follow mo ko. thanks balik ka ulit. Salamat sa pagbabasa!.. ingat lage

Crossfire Philippines new Characters Matahari and Swat-Elite

Ito ang mga bagong character na lalabas ngayon sa crossfire philippines ano sa tingin niyo? makakakuha ka ng ganitong character via Buddy Point System kung saan kailangan mong maging friend nag mga newbie sa crossfire (smiley) para makakuha ka ng BP (Buddy Point) lilinawin ko lang na bawal po ang may rank at kailangan ay SMILEY po ang isali niyo alam ko mas maraming new account mas maraming points, need din na active ang account na bago niyo. hindi lang ang character na ito ang available meron ding mga bagong weapons.
 NEW CHARACTERS OF CROSSFIRE PH
 MATAHARI
SWAT-ELITE



 HERES YOUR FREE 50, 40 and 20 ECOIN from ECHOES25 BLOG FOR VISITING THIS SITE CLICK BELOW once a day only:
unahan nalang po kayo thanks.

[SLOT 1] 50 ECOIN --------------- http://adf.ly/BUjy7
[SLOT 2] 40 ECOIN 2CARDS --- http://adf.ly/BUhra
[SLOT 3] 20 ECOIN --------------- http://adf.ly/AiVWD


free 50,40 (2cards),20 ecoin updated every 8:00am daily



Friday, August 10, 2012

Rain and Flood in the Philippines (Gener and Habagat)

Nang mga nakaraang araw nakaramdam tayo dito sa bansa ng malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan kaya marami sa mga lugar dito sa Pilipinas ang binaha at kinailangan ng mga tao ang evacuation. sabi sa news hindi daw bagyo ang sumunod kay Gener e anu yun? [Habagat lang daw] marami sa mga kababayan natin ang nalagay sa piligrosong sitwasyon matapos tumanggi sa paglikas sa mas safe na lugar dahil baka manakawan o kaya bahain ang mga ariarian magagamit niyo pa ba yan pag patay na kayo? kaya sunod nalang tayo at makinig sa mga kinauukulan. Maging ako rin hindi makalabas dahil sa baha matagal ding walang pasok siguro mga 3days din yun at ang mga schools ay ginawang evacuation center tuwing bagyo talaga walang magagawa ang pera lalo na at walang mabilihan dahil sarado lahat ng establishment at mga tindahan saan tayo tatakbo? Talagang ibang level na ang pagbaha ngayon sa Pilipinas hindi tulad ng mga nakaraang bagyo, dahil daw sa pagtatapon ng mga basura sa hindi maayos na pamamaraan TAPON DITO AT TAPON DOON, BAHALA NA. at excessive na paggamit ng plastic Oo nakakaperwisyo nga sa pamimili pag paper bag ang gamit pero isipin din naten paglumaon kung anu ang mangyayari pag plastic pa ang ginamit ang mangyayari BARA DITO AT BARA DOON sa mga kanal, ilog at pati dagat nakikisali narin sa pagapaw. Pagkatapos ng nangyari sa atin siguro magiging malaking usapin nanaman ang pagtatapon ng basura panu na kung mangyari ulit at masworse pa? nakakatakot din talaga kaya simulan naten sa bahay at sa labas naman kung kaya naman paghiwahiwalayin ang mga basura at kaso pag tinapon naten ganun din naman kaya ang gagawen ng kukuha ng basura? sana oo naman. para walang maulit na trahedya. pano pa magiging it's more fun in the Philippines nyan kaya patunayan naten na may magagawa pa tayo bago mahuli ang lahat.

Saturday, August 04, 2012

Happy 1st Birthday to my Nephew Prince Erick Torrecampo


Masaya naman ang kinalabasan ng birthday ng pamangkin kong si prince sa BF resort laspinas kahit may konting gulo hehe. nandoon lahat pati lolo, lola, tito at tita, parents niya marami ding handa may lechon pa. medyo konti nga lang ang bisita dami ding toma. wish ko sana maging mabait na bata ito at magkaroon ng magandang future para sa mga magulang niya, makulit na siya at bibo, mabigat din sya para sa isang taon sabi ng doctor pangdalawang taon na daw ang bigat antakaw din kasi hehehehe. Happy birthday baby PRINCE ERICK!
 Supercute isn't it?
ako ang kumuha ng picture na to nung 3 months o 4 months palang siya di ako sure tagal na kasi haha.

Google Adsense Disabled (invalid clicks)






hello mga katukayo at kabarkada nakatanggap ako ng email mula sa google adsense na dinisable nila ang  account ko dahil umano sa invalid clicks ito ang makikita niyo sa inyong dashboard kung nadisabled na ang account niyo kung makikita niyo sa nakaraan kong blog tungkol sa google adsense ay kakaaccept lang nila ang pinadala kong proof of address at binati pa ko na activated na daw uli ang aking account sa adsense pero napalitan ng kabwisitan ng malaman ko kahapon na wla nanaman akong adsense at malabo na kong kumita mula sa paglalagay ng ads nila dito sa aking blogsite.



 ito ang unang email na natanggap ko sa kanila may naviolate daw akong policy na parang ako pa yata ang pinagbibintangang nagclick sa ads ko, sa totoo lang ingat na ingat ako at baka maclick ko ang ads dahil kailan lang naactivate ang account ko ulit. mga bloggers kasalanan ba naten na may nagclick bomb ng ating ads sa blog o website naten? dapat naiisip muna nila na victim lang din ang iba o kung yung iba e nagiinvalid click nga sa blog nila. at kung may invalid click man pupwede namang hindi bayaran yun at yung legitimate clicks lang ang bayaran diba?? ano sa tingin niyo? tulad ng sites na adfly at bidvertiser kung may invalid clicks e hindi counted sa babayaran sayo hindi yung basta ka nalang magdidisabled ng account na walang kaalam-alam yung blogger o yung may-ari ng website na may ads very disappointing talaga lalo na at pinaghuhusayan mo ang trabaho na may inaasahan ka ding kita e pano kung malaki na talaga ang balance mo sa kanila mga umabot na ng $80 o $95 at biglang may nagclickbomb sayong ibang tao? ibabalik daw nila sa mga affected advertiser yung perang naipon style talaga bulok.
meron naman silang section na pupwede kang umapila tungkol sa invalid clicks at sa iba pang violation na nagawa ng blogger but it seems na wala ding magagawa to malamang kahit anong sabihin mo sa kanila hindi ka na papaniwalaan at di na maibabalik ang perang nawala sayo na pinaghirapan mo ng ilang bwan o ilang taon pa. isang beses lang pwede magsend sa kanila at pag hindi ka naapprove ay wala na talagang maibabalik sayo na kahit singko pati mga legitimate clicks mo ay balewala na kumbaga tubong lugaw pa sila at sa kanila na ulit ang pera mo. i am not against there policies pero dapat ay may kaukulang warning muna hindi yung parang bastos na bigla nalang tatanggalin sa site mo yung ads porke hindi naten sila maabot ganun nalang ang gagawen sa ating mga bloggers.

Friday, July 27, 2012

Jamich vs Jabitch

Goodevening sa inyong lahat.. normal na araw.. walang bago nagiisip parin ng magandang maibabahagi sa inyo. pero habang wala pa ramdom muna ang kwento ko. Kasabay ng sumisikat na couple na ito ang paglobo din ng haters nito sa youtube, facebook, twitter at kung anu-ano pang social networking sites. well hindi ko talaga sila ganun kakilala kaya hanggang ngayon wala parin akong napapanigan kaya pareho kong nilike sa facebook hehe. recently ko lang nabasa ang blog ni ogie diaz mula sa Pinoyparazzi.com

Dolphy, patay na ginagamit pa ng salbahe sa social media! diaz

ang jamitch couple pala ang binabanggit. tingin ko mali talaga ang pagkakatweet nila na kesyo monthsary daw nila namatay si dolphy (comedy king) pwede namang magbigay nalang ng condolences diba bat may monthsary pang nalalaman?. ewan ko ba ano bang tama sa tingin niyo? e kung inlove talaga haha. sa hiniwalay nalang yung tweet ng monthsary nila sa pagkamatay ni dolphy para walang magreact. maraming nagsasabi na puro kalandian lang daw ang mapapala ng mga tao sa dalawang to, tignan ko nalang kung mapanood ko yung mga videos nila sa youtube at facebook kung totoo nga yun di naman siguro lahat diba baka may purpose din yung iba. kaya ko lang nilike ang jabitch dahil yung iba kasing post don nakakatawa talaga pero para fair nilike ko na rin ang jamitch, kaya daw black forest ang tukso sa girl ay maitim daw ang kili-kili at yung boy baba naman dahil mahaba daw ang baba. cute din naman yung girl ah ewan ko lang don sa boy kung san galing. 

kung gusto niyong ilike ang fan page ng JAMITCH sa facebook ito yun click mo nalang


at kung hater ka naman nila e di sa JABITCH ka pumanig eto yun kapatid


kayo na humusga nahihilo lang ako hehehe goodnight.

Tuesday, July 24, 2012

Crossfire PH Clan Shirt

 Common na sa crossfire philippines ang mayroong clan na sinasalihan para makapagclan war at makapagpalevel pero habang tumatagal kailangan narin ng clan shirt para kung merong event ang gameclub philippines o may gatherings at anniversary ay may uniform ang grupo. Ito ang personal kong design para sa aming clan na SUPL4DO ako kasi ang naatasan para magdesign ng clan shirt na susuotin ng grupo. sana magustuhan niyo. ginamitan kong tool sa pagdedesign ang photoshop at paint at konting creativity.



HERES YOUR FREE 50, 40 and 20 ECOIN from ECHOES25 BLOG FOR VISITING THIS SITE BELOW once a day only:
unahan nalang po kayo thanks.

[SLOT 1] 50 ECOIN --------------- http://adf.ly/BUjy7
[SLOT 2] 40 ECOIN 2CARDS --- http://adf.ly/BUhra
[SLOT 3] 20 ECOIN --------------- http://adf.ly/AiVWD


free 50,40 (2cards),20 ecoin updated every 8:00am daily


Top 10 Break Up Lines (Gas Gas)

Sa tinagal tagal ko sa industriya ito ang pinaka common at pinaka gasgas na break up lines na narinig ko na at maging ako ay nagamit ko narin. malamang isa sa inyong nagbabasa nito ay nakapag sabi na sa girlfriend/boyfriend niyo pag nakikipag break kayo sa kanila.


  1. IT'S NOT YOU IT'S ME. kahit yata sa mga movie at mga teleserye naririnig ko tong gamit na gamit na salitang ito well kung nasabi niyo na to noon wag niyo nang ulitin dahil ang sakit na sa tenga gumamit naman kayo ng ibang style haha.
  2. I NEED SOME SPACE. ano ka naghahanap ng apartment? gaano kalaking space naman ang hinahanap mo para lumayo sayo ang gf/bf mo? kung gusto mo don ka sa Edsa malaki space don at magpasagasa ka na.
  3. I JUST NEED A LITTLE MORE TIME. Ayan na nga ba sinasabi ko may nakita lang na iba ganyan na ang bukambibig wag sana idamay ang panahon sa kalandian mo at may nasasaktan sa ginagawa mo.
  4. I'LL FIND SOMEONE LIKE YOU. kailan lang ito nauso nung sumikat si Adelle (singer) nung naging favorite mo to naghanap ka na rin ng masyosyotang iba.
  5. I REALLY DON'T DESERVE YOU. magugulat nalang ang bf'/gf mo na nagsasalita ka na ng mga ganitong bagay malalaman niya agad na may ginagawa kang kabulastugan. hayop dre parang kang sirang plaka niyan malamang ginamit mo na rin yan noon.
  6. THIS RELATIONSHIP WILL NEVER WORK OUT. bakit hindi magwowork-out? siguro may pagkukulang ka o nagdadahilan ka lang. magwork-out ka sa gym, kaso marami ding tukso don lol.
  7. I DON'T LOVE YOU ANYMORE. Isa na yata ito sa mga pinakamasasakit na maririnig mo sa mahal mo parang dinudurog ang puso mong sugatan haha. wish ko di ko na marinig to ulit baka mabaliw lang ako.
  8. SHE/HE WAS BETTER THAN YOU. kayo pa ng karelasyon mo may nakita ka nang mas better? tinutuon mo lang yata talaga ang atensyon mo sa ibang tao kaya ganyan. ibang klase.
  9. PLEASE LET ME GO. Kung mahal ka talaga ng isang tao hindi niya agad magagawa na palayain ka mahihirapan lang kayong dalawa, kaya wag agad dadaldal pag hindi sigurado.
  10. SORRY... pag sinabi niya to at biglang umiyak at yumakap sayo parang iba na yata ibig sabihin nyan kaya humanda kana sa maririnig mo.

Hindi ako magsisinungaling na minsan sa buhay ko nakagamit din ako ng isa sa mga breakup lines na ito na alam kong pagkakamali talaga at nagsisisi din ako. Lahat tayo naghahanap ng magmamahal satin kahit na hindi perpekto subukan naten ayusin ang mga bagay na hindi naman dapat na masira pero tayo mismo ang gagawa ng paraan para makasakit ng feelings ng karelasyon naten at kung alam mo pa na wala naman siyang masamang ginagawa bakit hindi palawakin ang isipan. kaya hinay hinay lang kapatid baka sayo din bumalik ang KARMA sa huli at magsisi ka pa.

WHAT IS YOUR TOP 10 PERSONAL BREAKUP LINES?
LEAVE A COMMENT THANKS.

Monday, July 23, 2012

Crossfire Philippines Madara**



Malamang ay curious din kayo kaya nyo naisearch si MaDaRa** ng crossfire philippines kung gaano nga kaya kagaling at kung anong style ng paglalaro ang ginagawa niya sa loob ng map ang gamer na ito ay may humigit 15 million Points at kulang kulang 100 thousand kills malayong malayo sa kanyang deaths at 70% Winning chances sa game. sa ngayon ay kasali sya sa clan na SWITO na rank 27 ngayon sa mundo ng crossfire at may 292 members na pinapatakbo ni ajdumlao. para makasali sa SWITO clan kinakailangan maging Captain ang rank at tingin ko kailangan ka magpaschedule ng tryout para makasali. sa ngayon kung hindi pa ganon kalakas o kataas ang rank at skill mo, mahihirapan kang patumbahin ang taong to sa laban specially sa clan wars. kaya palakas tayo lahat (kahit weak pa).





HERES YOUR FREE 50, 40 and 20 ECOIN from ECHOES25 BLOG FOR VISITING THIS SITE CLICK BELOW once a day only:
unahan nalang po kayo thanks.

[SLOT 1] 50 ECOIN --------------- http://adf.ly/BUjy7
[SLOT 2] 40 ECOIN 2CARDS --- http://adf.ly/BUhra
[SLOT 3] 20 ECOIN --------------- http://adf.ly/AiVWD


free 50,40 (2cards),20 ecoin updated every 8:00am daily



Upgrading your Video Card or Graphics Card (ATI Radeon HD 5570)

 Just upgraded my graphics card to 1GB ddr3 AMD ATI Radeon 5570, so far satisfied naman ako dito sa video card na to dahil nameet nya naman ang expectation ko na laruin ang mga games na gusto ko sa full graphics, nabili ko siya $47 o P2150 sa PC express Cavite Branch, dito niyo makikita ang compatibility at features ng Video Card na ito.


  • PCI express 2.1 support
  • 40nm process technology
  • On-Chip HDCP
  • Direct X 11/ Shader Model 5.0 support
  • Up to 24x Custom Filter Anti- Aliasing
  • ATI Avivo HD video and display technology
  • Unified Video Decoder2 (UVD2) for Blu-ray and HD DVD
  • Built-in HDMI with 7.1 surround sound
  • Support for the ATI Radeon DVI to HDMI adapter
FEATURES:
  1. [ATI steam Technology] Offload data parallel compute tasks from the CPU to GPU.
  2. [CrossfireX Multi GPU technology] Multi GPU support offers superior scalability.
  3. [ATI Eyefinity Technology] Run up to 3 displays from a single graphics board and expand your gaming field of view across all displays.
  4. [Microsoft DirectX 11] Deliver ultimate HD gaming performance for the latest games and DirectX 11 applications.
  5. [Build-in HDMI with 7.1 Surround Sound] HDMI 1.3 with deep color and high bandwidth 7.1 channels of surround sound, enables a truly easy, one-cable connection to get the latest Blu-ray experience from your PC.
System Requirement:
  • PCI slot
  • at least 1 Gigabytes of Ram memory
  • Installation CD
  • 400 Watt or greater power supply

Drivers for this Video Card: Visit the AMD website.



Saturday, July 21, 2012

How to Approved your Google Adsense No PIN Mailer

Napakaraming Pinoy ang naiingganyo sa pagba-blog gaya ko na matapos ko mapanood sa TV na pupwede rin palang kumita gamit ang pagbablog sa internet. Nagresearch muna ako kung paano mgagawa ito, Kikita ka sa pamamagitan ng pagpopost ng mga relevant ads sa inyong blog o website gamit ang CPC (Cost Per Click). When i reach $10USD sa Google adsense kailangan ko daw ienter ang pin na nagveverify ng account na ipapadala ng google sa address na niregister ko sa kanila pero dumaan ang days, weeks, and years wala kong natanggap na ano mang mail na galing sa google after 3 attempts ng pagkuha ng pin. Medyo tinamad na rin ako masyado na kasing matagal ang paghihintay sa mail kaya naghanap ako ng paraan para maactivate uli ang  accout ko na nakahold ang revenue. ang way para maunblock ang ads niyo ay pagpapadala sa kanila ng scan file ng isa sa mga sumusunod na ID na nakaindicate ang FULL NAME AND COMPLETE ADDRESS:


  1. Government issued ID like Postal ID, SSS ID, Voters ID, Drivers License, etc.
  2. Billing Address like Internet Bills, Electricity Bills, Phone Bills, Credit Card Bills.
  3. Bank Account Bills or Open Account Letter.
ito ang sample ng sinend ko sa google adsense inattach ko:


Makikita ninyo sa dashboard kung saan niyo iaattach ang document niyo sa baba ng hold account matapos maubos ang attempt ng Pin Mailer request. kailangang din ilagay ang PUBLISHER NUMBER, FULL NAME, EMAIL ADDRESS.

after a few days (2 to 3days) magpapadala sa email add ninyo ang google adsense ng Approval ng inyong account sa kanila ito ang email na natanggap ko. it means active na ulit ang google adsense at pwede na ulit kumita. mamili lang kung Western Union Quick Cash o Pay Check na nasa settings sa dashboard kung saan gustong matanggap ang kita.


Thursday, July 19, 2012

How to Speed Up your SMARTBRO PLUG-IT


I was using smartbro plug-it for 3years at masasabi ko na talagang napakabagal ng connection siguro nga dahil USB lang at nakikiagaw ng linya sa mga antenna na PLAN 999. At isa pa marami na kong nasayang na pera sa pagreregister ng UNLISURF 50 nila na kailangan ko pang maghintay ng oras para bumilis ng konti ang connection ng smartbro, kailangan ko pang gumising ng madaling-araw para makapaginternet ng mabilis, madami na rin akong sinesearch na tips and tricks para mapabilis ang smartbro plug-it pero sinasabi ng karamihan na wala nang pag-asa. Pero last month lang nakakita ako ng pinaka the best na tricks para mapabilis ang smartbro plug-it up to 1.5mbps, na kayang makapagdownload ng file na 1GB sa loob ng 45minutes.

Here is the tricks. Need mo lang ng SMART BUDDY SIM CARD at ipalit mo sa SMARTBRO SIM na nasa loob ng SMARTBRO PLUG-IT Palitan ang Profile Name ng SMARTBUDDY, at pmunta sa TOOLS>OPTIONS>NETWORK>MANUAL SEARCH>3G SMART


Para makapag-REGISTER sa UNLIMITED INTERNET ng SMARTBUDDY

Text UNLI 50 to 211 for 1day unlimited internet
Pero maaaring ma-BLOCK ng smart ang inyong SMARTBUDDY simcard nakainsert sa inyong SMARTBRO PLUG-IT sabi nga nila hindi laging pasko!. Ang dahilan nito ay ang excessive na pagdodownload ng Large Files sa internet at pagoonline games dahil ang smartbuddy internet ay para lamang sa cellphone na ginagamit lang kadalasan sa pagsusurf sa mga magagaang website lang like facebook, Yahoo Messenger at Twitter. Bigla nalang mapuputol ang connection mo at mawawalan ng signal. Kung nagdisconnect ka at nagreconnect ka at wala parin malamang na block na nga ang smart buddy simcard mo. Pero don’t worry meron namang solusyon para ma-UNBLOCK ang SMARTBUDDY SIMCARD MO:

Ito lang ang kailangang gamit:

1.       Isalpak sa cellphone ang smartbuddy sim card you need atleast 2pesos para makatext ka
2.       Text ROAM ON to 333 pag may nagreply magtext ulit ng ROAM OFF to 333
3.       Isalpak ulit sa SMARTBRO PLUG-IT ang SMARTBUDDY SIMCARD MO.
4.       Pwede kana ulit makaconnect sa Dashboard.


Kung mabablock man ulit ang smartbuddy simcard mo gawin mo lang ulit ang steps na yan nung una kong ginamit ang smartbuddy sa smartbro isang beses lang nablock ang simcard ko pero hindi na ulit nasundan hanggang ngayon na ilang months na ang nakakaraan.

Kung hindi parin gumana at nakablock parin ang smartbuddy sim mo sa smartbro

Try mo tong isang tricks pa:

1.       Text 3G ON to 211 (using cellphone) with 2 pesos load
2.       Uninstall smartbro dashboard to your PC use REVO unstaller to uninstall smartbro software and Clean up with CCLEANER and restart
3.       Reinstall SmartBro with smartbuddy sim on it and connect to dashboard
4.       CONNECT TO THE INTERNET AGAIN.

ENJOY! LEAVE A COMMENT THANKS..

NEED FREE INTERNET? CHECK THIS FOR FREE NET FOR SMARTBRO

TIPS AND TRICKS
CLICK HERE
http://adf.ly/Mmxbs

how to unblock sun simcard 2021

  FREE VPN UNLIMITED INTERNET PHILIPPINES DOWNLOAD HERE MEDIAFIRE APK               DOWNLOAD 1 PLAYSTORE                        DOWNLOAD 2 A...