Tuesday, October 09, 2012

Anti-Cybercrime Law in the Philippines

Marami sa atin ang tumaas ang kilay sa panukalang ito na papatawan ng parusa ang mga gumagamit ng social networking sites sa pilipinas at sasampahan ng libel, ito ay kung magpost ka ng hindi magandang idea o ultimong maglike lang sa facebook, twitter o iba pang social networking site, pupwede kang makulong ng 12 years, Hindi kaya MAGSIKSIKAN TAYO SA KULUNGAN nyan? ginawa ito upang mabasawan ang pangbubuli at iba pang krimen tulad ng cybersex at pornograpiya, magkakaron din ng pahintulot ang kinauukulan upang ipa sara o ipaban ang mga hindi magandang nilalaman ng website mo pero pano,? pano huhulihin ang mga may sala kung milyon milyon ang gumagamit nito dito palang sa pilipinas at kadalasan ay naishe-share lang mula sa ibang bansa, matatandaan naten na ang ibang mga bansa ay ban na ang facebook dahil sa kawalan nito ng privacy o halos wala ka nang itago sa buhay mo at nilahad mo na lahat simula sa pagkain mo, saan ka pupunta o anong event ang mangyayare sa buhay mo. Sabi ng iba kawalan daw ito ng freedom of speech, nasa isang bansang may demokrasya nga naman tayo kaya bakit sa facebook o twitter may marshall law narin? si Senator Tito Sotto ang nagsusulong na maitupad agad ang batas na ito, na matatandaang na di umano ay ginaya ang speech ng isang presidente sa states na tinagalog lang, at mataas ang posibilidad na ipatupad na ito ni President Noynoy Aquino sa pilipinas (saktong sakto nga noh?) kaya nga nabuli si Tito Sen sa internet ng maraming tao karamihan ay kabataan, ginagawa niya kaya ito para sa paghihiganti sa nangyari sa kaniya? ang facebook at twitter ay isang medium ng paglalabas ng ideya o nasasaloob pero maging matalino din sana tayo sa pagpopost ng mga bagay-bagay na hindi nakakasakit sa damdamin ng ibang tao, pero hindi rin naman tama na alisin ang karapatan na mamahayag o magsabi ng katotohanan, kayo ano sa tingin niyo ang dapat?

1 comment:

how to unblock sun simcard 2021

  FREE VPN UNLIMITED INTERNET PHILIPPINES DOWNLOAD HERE MEDIAFIRE APK               DOWNLOAD 1 PLAYSTORE                        DOWNLOAD 2 A...