Friday, August 24, 2012

Motorist Mauls MMDA Traffic Enforcer in the Philippines

Kamakailan lang ay lumabas sa news at social networking sites ang pananakit ng isang motorista sa isang traffic enforcer sa Quezon city, habang nagtatraffic si Mang Saturnino Fabros ay nilapitan siya ng Motoristang si Robert Blair Carabuena dinuro duro at sinampal sa mukha dahil sa away trapiko. Mabuti at nakuhanan ito ng isang istasyon ng telebisyon at ginawang ebidensya sa Media.

SEE THE VIDEO ON YOUTUBE
click here---->   Motorist Mauls MMDA Traffic Enforcer

Talaga namang hindi makataruan ang manakit ng isang nakauniformeng MMDA lalo na sa gitna ng serbisyo at sa harap ng ibang motorista isa itong kabastusan sa pangalan ng MMDA. hindi dapat tinotolerate ang mga ganitong pangyayare lalo na at dumarami sa Pilipinas ang mga hindi sumusunod sa batas trapiko. Hindi rin dahilan na ikaw ay may kaya para manapak ng pagkatao ng iba dahil sa sarili mong pagkakamali, dapat lang na maparusahan ang mga ganyang tao na pilit tayong nilulubog sa gitna ng kahirapan dahil sa abusadong gawa. si Robert Blair Carabuena ay nagpublic apology na sa MMDA at kay Mang Saturnino Fabros at tinanggap naman niya ito ngunit may kaukulang parusa parin na ipapataw ang MMDA para sa kasong ito. Magsilbi sanang aral ang nangyaring ito at huwag laging init ng ulo ang pinapairal lalo na pag nasa lansangan tayo, sumunod sa batas trapiko para walang maging problema.

No comments:

how to unblock sun simcard 2021

  FREE VPN UNLIMITED INTERNET PHILIPPINES DOWNLOAD HERE MEDIAFIRE APK               DOWNLOAD 1 PLAYSTORE                        DOWNLOAD 2 A...