hello mga katukayo at kabarkada nakatanggap ako ng email mula sa google adsense na dinisable nila ang account ko dahil umano sa invalid clicks ito ang makikita niyo sa inyong dashboard kung nadisabled na ang account niyo kung makikita niyo sa nakaraan kong blog tungkol sa google adsense ay kakaaccept lang nila ang pinadala kong proof of address at binati pa ko na activated na daw uli ang aking account sa adsense pero napalitan ng kabwisitan ng malaman ko kahapon na wla nanaman akong adsense at malabo na kong kumita mula sa paglalagay ng ads nila dito sa aking blogsite.
ito ang unang email na natanggap ko sa kanila may naviolate daw akong policy na parang ako pa yata ang pinagbibintangang nagclick sa ads ko, sa totoo lang ingat na ingat ako at baka maclick ko ang ads dahil kailan lang naactivate ang account ko ulit. mga bloggers kasalanan ba naten na may nagclick bomb ng ating ads sa blog o website naten? dapat naiisip muna nila na victim lang din ang iba o kung yung iba e nagiinvalid click nga sa blog nila. at kung may invalid click man pupwede namang hindi bayaran yun at yung legitimate clicks lang ang bayaran diba?? ano sa tingin niyo? tulad ng sites na adfly at bidvertiser kung may invalid clicks e hindi counted sa babayaran sayo hindi yung basta ka nalang magdidisabled ng account na walang kaalam-alam yung blogger o yung may-ari ng website na may ads very disappointing talaga lalo na at pinaghuhusayan mo ang trabaho na may inaasahan ka ding kita e pano kung malaki na talaga ang balance mo sa kanila mga umabot na ng $80 o $95 at biglang may nagclickbomb sayong ibang tao? ibabalik daw nila sa mga affected advertiser yung perang naipon style talaga bulok.
meron naman silang section na pupwede kang umapila tungkol sa invalid clicks at sa iba pang violation na nagawa ng blogger but it seems na wala ding magagawa to malamang kahit anong sabihin mo sa kanila hindi ka na papaniwalaan at di na maibabalik ang perang nawala sayo na pinaghirapan mo ng ilang bwan o ilang taon pa. isang beses lang pwede magsend sa kanila at pag hindi ka naapprove ay wala na talagang maibabalik sayo na kahit singko pati mga legitimate clicks mo ay balewala na kumbaga tubong lugaw pa sila at sa kanila na ulit ang pera mo. i am not against there policies pero dapat ay may kaukulang warning muna hindi yung parang bastos na bigla nalang tatanggalin sa site mo yung ads porke hindi naten sila maabot ganun nalang ang gagawen sa ating mga bloggers.
2 comments:
Nangyari din sa akin parehas na parehas ang email sa atin ni google... Nakakabadtrip pinagpaguran mo ung site tpos bigla k ng lng nila i baban ng walng warning...
tama ka jan pards nakakadisappoint talaga ang pamamalakad ng google, dati naman hindi pa ganyan hindi sila agad nagbaban ng account ngayon nalang yan. try mo pre ang bidvertiser at adfly maganda gamitin kumita narin ako doon salamat sa kanila at may alternative para sa basurang google adsense
Post a Comment