Sunday, September 09, 2012

Bridal Mask (각시탈) Gaksital Review


the Popular Korean manhwa by Huh young man, si Lee Kang to (Joo Woon) at Oh mok dan ang main characters sa Bridal mask story, nung una hindi ko talaga inaasahan na magiging bida pala si Lee kang to sa palabas na ito dahil biglaan ko lang napanood ito sa KBS world at hindi ko rin inaasahan na mawawala agad si Lee kang san (shin hyun jun) dahil sya ang original na bridal mask. si Lee Kang to ay isang Japanese Policeman na galing sa pamilya ng Joseon na sinakop ng hapon ng panahon ng 1930's pero tutol ang mga magulang niya dahil namatay ang ama nila at tinorture ang kapatid nyang si Lee kang san sa kamay ng mga hapon. Upang makalaya si Lee kang san sa pagkakakulong nagpanggap siyang baliw sa mga pulis para makalaya at makasama ang pamilya which is the original bridal mask. Nagsuot sya ng maskara para mapagtanggol ang mga naaapi at ipaghiganti ang ama na naging mortal na kaaway ng kanyang kapatid na si lee kang to na walang idea na sya si bridal. Nang isang gabi ay pinuntahan ng mga pulis ang bahay ng pamilya ni lee kang to sa paghihinala na kapatid nya si bridal mask na si lee kang san at nabaril ang kanilang ina, Sa paghabol ni lee kang san sa bumaril na si Kimura Kenji (Park Joo hyung) biglang dumating si lee kang to hanggang sa napatay at nabaril ni lee kang to si bridal mask na kaniya palang kapatid, doon natauhan si lee kang to na ipagpatuloy ang naumpisahan ang nasimulan ng kapatid at sya ang magsuot ng maskara. binalikan ni lee kang to ang headquarters ng jong ro police station para hanapin si kimura kenji na may sala sa pagpatay sa kanilang ina, Binalikan nya ito na nakasuot ng bridal mask napatay niya ito sa harap ng matalik nyang kaibigan at kapatid nito na si Kimura Shunji (Park Ki Woong) na nagtulak dito para maging police ng hapon upang mahuli sya. Dito na nagsimula ang rivalry ng dalawa hindi lang sa paghaharap kundi sa pag-ibig ni Oh mokdan (Jin Se Yeon) na anak ng freedom fighter na si Dam sari (Jeon no min),Kababatang maituturing ni lee kang to si mokdan na pinangakuan nya na poprotektahan kahit anung mangyari pero naiwan ito sa kamay ng mga tulisan at don sila ngkawalay hanggang pag tanda, Kinamumuhian ni mokdan si lee kang to dahil ito ang dahilan ng pagsistenya sa kanyang ama ng kamatayan dahil sa paglaban sa mga hapon na malapit naman nung una kay Shunji. Nang Lumaon lumaki na ang paghihinala ni shunji kay lee kang to dahil sa madalas na pagliban nito sa trabaho at tuwing lumalabas si bridal mask ay lagi itong nawawala, dumating si Ueno Rie o Rara (Han chae ah) na anak ng Presidente ng Kishokai organization kasama ang kanyang bodyguard na si Katsuyama Jun (Ahn Hyung Joon), misyon nila na mawala ang hadlang sa daan ng kishokai para sa ikagaganda ng future ng japan kahit sino pa ang masagasaan, Pero ang madilim na nakaraan ni rara ay isa syang gisaeng at Joseon at inampon lang sya ng presidente para tumayong anak nito, si Rara din ang iniligtas ni Lee kang to 5years ago na muntik na itong mapatay ng bodyguard ng presidente ng kishokai na si Ginpei Gato (Bruce khan). si Rara din ang nakadiskubre na si Kang to ay si bridal mask rin pero hindi nilihim nya ito sa kanyang ama at kay shunji. ang Kishokai ang pilit hinuhunting ng bridal mask upang mapatay ang mga ito at mapigilan sa masasamang gawain. ang Kishokai din ang pinasukang organisasyon ni shunji para magkaroon ng kapangyarihang mahuli si bridal mask, nang hingi si shunji ng tulong sa Presidente at hiniram nito ang alalay na si Ginpei, habang nililigtas ni bridal mask ang kasamahan na reporter at freedom fighter, ay tinalo sya nito at dito tinanggal ni shunji ang maskara ng bridal mask. hindi muna pinaalam ni shunji kay lee kang to na alam niya na ang sikreto nito, upang mahuli niya sina Yangbaek at dongjiin, isang gabi pinagplanuhan nilang nakawan ang armory ng jongno police station para maisakatuparan na ang planong pagaaklas ngunit nahuli si bridal mask ng mga pulis ng jongno station. sa bandang huli ay di pa cgurado kung nakamit nga nila ang kalayaan laban sa mga hapon pero nagkaroon sila ng pagkakataon para lumaban.. magandang ending para sa mgandang istorya sana ay magkaroon pa ng marami pang series na ganito kaganda..














No comments:

how to unblock sun simcard 2021

  FREE VPN UNLIMITED INTERNET PHILIPPINES DOWNLOAD HERE MEDIAFIRE APK               DOWNLOAD 1 PLAYSTORE                        DOWNLOAD 2 A...