Monday, September 17, 2012

I am COMELEC Registered

sa tagal ng panahon ngayon lang ako nakapagparehistro sa munisipyo ng Las Piñas tumanda ako ng 23 ngayon ko lang naisip, tinatamad din kasi ako bumoto sinong iboboto? baka corrupt pa maboto ko well anyways mabilis naman ang proseso nila step by step at hindi ka malilito sa pagreregister at mabilis pa. ikaw kung di pa rehistrado (ika nga ni Sarmiento) Aba e MAGPAREHISTRO KANA!

STEP 1
pumunta lang sa inyong munisipyo, Kailangan mo ng isang Valid ID para makapagparehistro sa comelec sample ng pwedeng ID? dapat nakaaddress sa City kung saan ka magpaparehistro.
-Driver's License
-Postal ID
-Passport
-School ID (kung student)
-Tin ID (galing BIR)
-NBI clearance
ichecheck ng kawani ng comelec kung pupwede ba ang dala mong id

Kung ikaw ay bago palamang magpaparehistro bibigyan ka ng 3 pages na form application at fifill upan mo lang, sa loob ng form, kasama na doon ang name, address, citizenship, sex,  kung single o may asawa at napakaraming pirma meron ding kailangang thumb mark kung hindi ako nagkakamali 12 thumb marks ang kailangan ng form na iyon.

STEP 2 & 3

Ibigay sa kawani ng comelec ang nafill-up na form at ililista nila kung saang presinto ka pwede

STEP 4

iincode sa computer ang data galing sa nafill-upan na form at pipicturan gamit ang webcam kasama narin doon ang pagkuha ng digital na thumbmark upang maiupload sa computer (kukunin sa thumbmark ang kaliwa't kanang hintuturo at hinlalaki)

STEP 5

ang pagaapruba ng comelec sa inyong application at rehistrado kana.
madali lang talaga sa panahon ngayon dahil digital na lahat hindi tulad noon na matatagalan ang proseso salamat sa makabagong teknolohiya at di na rin nagtagal ang pagpaparehistro ko sa COMELEC

No comments:

how to unblock sun simcard 2021

  FREE VPN UNLIMITED INTERNET PHILIPPINES DOWNLOAD HERE MEDIAFIRE APK               DOWNLOAD 1 PLAYSTORE                        DOWNLOAD 2 A...