Tuesday, July 24, 2012

Top 10 Break Up Lines (Gas Gas)

Sa tinagal tagal ko sa industriya ito ang pinaka common at pinaka gasgas na break up lines na narinig ko na at maging ako ay nagamit ko narin. malamang isa sa inyong nagbabasa nito ay nakapag sabi na sa girlfriend/boyfriend niyo pag nakikipag break kayo sa kanila.


  1. IT'S NOT YOU IT'S ME. kahit yata sa mga movie at mga teleserye naririnig ko tong gamit na gamit na salitang ito well kung nasabi niyo na to noon wag niyo nang ulitin dahil ang sakit na sa tenga gumamit naman kayo ng ibang style haha.
  2. I NEED SOME SPACE. ano ka naghahanap ng apartment? gaano kalaking space naman ang hinahanap mo para lumayo sayo ang gf/bf mo? kung gusto mo don ka sa Edsa malaki space don at magpasagasa ka na.
  3. I JUST NEED A LITTLE MORE TIME. Ayan na nga ba sinasabi ko may nakita lang na iba ganyan na ang bukambibig wag sana idamay ang panahon sa kalandian mo at may nasasaktan sa ginagawa mo.
  4. I'LL FIND SOMEONE LIKE YOU. kailan lang ito nauso nung sumikat si Adelle (singer) nung naging favorite mo to naghanap ka na rin ng masyosyotang iba.
  5. I REALLY DON'T DESERVE YOU. magugulat nalang ang bf'/gf mo na nagsasalita ka na ng mga ganitong bagay malalaman niya agad na may ginagawa kang kabulastugan. hayop dre parang kang sirang plaka niyan malamang ginamit mo na rin yan noon.
  6. THIS RELATIONSHIP WILL NEVER WORK OUT. bakit hindi magwowork-out? siguro may pagkukulang ka o nagdadahilan ka lang. magwork-out ka sa gym, kaso marami ding tukso don lol.
  7. I DON'T LOVE YOU ANYMORE. Isa na yata ito sa mga pinakamasasakit na maririnig mo sa mahal mo parang dinudurog ang puso mong sugatan haha. wish ko di ko na marinig to ulit baka mabaliw lang ako.
  8. SHE/HE WAS BETTER THAN YOU. kayo pa ng karelasyon mo may nakita ka nang mas better? tinutuon mo lang yata talaga ang atensyon mo sa ibang tao kaya ganyan. ibang klase.
  9. PLEASE LET ME GO. Kung mahal ka talaga ng isang tao hindi niya agad magagawa na palayain ka mahihirapan lang kayong dalawa, kaya wag agad dadaldal pag hindi sigurado.
  10. SORRY... pag sinabi niya to at biglang umiyak at yumakap sayo parang iba na yata ibig sabihin nyan kaya humanda kana sa maririnig mo.

Hindi ako magsisinungaling na minsan sa buhay ko nakagamit din ako ng isa sa mga breakup lines na ito na alam kong pagkakamali talaga at nagsisisi din ako. Lahat tayo naghahanap ng magmamahal satin kahit na hindi perpekto subukan naten ayusin ang mga bagay na hindi naman dapat na masira pero tayo mismo ang gagawa ng paraan para makasakit ng feelings ng karelasyon naten at kung alam mo pa na wala naman siyang masamang ginagawa bakit hindi palawakin ang isipan. kaya hinay hinay lang kapatid baka sayo din bumalik ang KARMA sa huli at magsisi ka pa.

WHAT IS YOUR TOP 10 PERSONAL BREAKUP LINES?
LEAVE A COMMENT THANKS.

No comments:

how to unblock sun simcard 2021

  FREE VPN UNLIMITED INTERNET PHILIPPINES DOWNLOAD HERE MEDIAFIRE APK               DOWNLOAD 1 PLAYSTORE                        DOWNLOAD 2 A...