Sunday, April 07, 2013

Kasambahay Bill Ipapasa naba?

Kmusta mga kaibigan? dito sa ating bansa matunog na pinaguusapan ang kasambahay bill na naglalayong bigyan ng dagdag benepisyo at karapatan ang ating mga domestic worker, pero parang andaming tumaas ang kilay sa batas na ito kung maipatutupad man halina't talakayin natin kung anu-ano ba ang nilalaman ng batas na ito, simulan natin sa mga benefits na pupwedeng makuha ng isang kasambahay

Kinakailangan na mairegister ng Employer sa mga ahensyang ito kung merong  kasambahay na pinapasweldo, Social Security System, Philhealth Membership at Pagibig fund.

HEALTH BENEFITS

SSS                    -    218 Pesos
PHILHEALTH   -    50   Pesos
PAGIBIG           -    100 Pesos

Karagdagang 368 pesos ang sasagutin ng employer, hindi pa kasali ito sa minimum wage ng mga kasambahay ngayon na 2500 Pesos per month sagot rin ng employer ang pagkain at tirahan nito, Kung minimum of 5000 pesos per month naman ay paghahatian ng employer at kasambahay ang bayarin sa mga benepisyo. Kailangan ding mairehistro sa barangay kung kukuha ng kasambahay dala na ang kontrata na napirmahan nito kung nagkaintindihan na ang both parties. take note galing pa sa website ng dole ang contract.

MINIMUM OF 8 HRS REST, DAY-OFF, LEAVE and OVERTIME PAY

Napapaloob din sa batas na ito ang pagkakaroon ng minimum na 8 oras na pahinga sa isang araw ang ating kasambahay, day-off isang beses sa isang linggo na kung hindi maibibigay ay kaukulang kabayaran nanaman ito para sa kanila, at overtime pay naman kung sumobra na ang pagtatrabaho nito sa isang araw. Maganda ito para sa ating mga kasambahay dahil magkakaroon sila ng karapatan dahil nagtatrabaho din naman sila ng maayos pero bakit andaming may ayaw sa ganitong bagay? tutol lalo na ang mga mid-income families dahil bukod sa kulang na nga raw ang kanilang sweldo ay madadagdagan pa ang kanilang pasanin at gastusin, Mapipilitan din daw silang magbawas ng empleyado lalo na at magkakaroon ng dagdag na babayaran. entitled naman sila sa 5 days leave with pay kada taon, tingin mo tama lang ba ito o sakit sa ulo ng amo?

MGA NADAMAGE NA GAMIT AT UTANG NG KASAMBAY

Ayon naman dito kung may utang ang kasambahay ay hindi dapat tataas sa 20% ang ibabawas ng Employer sa sasahurin nito kada buwan, maaaring ibawas naman kung nakasira ng gamit.

PAYSLIP 

Magkakaroon na rin ng payslip ang mga kasambahay para may kopya sila o record ng recent authorized deductions. Dapat lang siguro dahil nagtatrabaho din naman sila tulad ng ibang empleyado.

13th MONTH PAY

Umabot na ba ng isang taon ang namamasukan na kasambahay sa inyo? kung ganon ay kailangan din silang makatanggap ng 13th month pay para sa kanilang trabaho. Isa rin ito sa malaking usapin lalo na sa mga amo na sakto lamang ang pagpapasweldo sa kanilang mga kasambahay ngunit mapipilitan silang magbigay dahil nasa batas na ito..

Ano sa tingin mo ang dapat idagdag o ibawas na malaking issue na ito? marami sa atin ang naghihintay kay PNOY kung pipirmahan at ipapatupad niya na itong batas na ito. Siguro ay dapat pag-aralan mabuti para Everybody happy diba? walang nalalamangan at sa karapatan din ng mga namamasukan na kasambahay natin..

ANY COMMENT?? POST MO LANG SA BABA SALAMAT !!

No comments:

how to unblock sun simcard 2021

  FREE VPN UNLIMITED INTERNET PHILIPPINES DOWNLOAD HERE MEDIAFIRE APK               DOWNLOAD 1 PLAYSTORE                        DOWNLOAD 2 A...