Wednesday, April 03, 2013

Mandurukot sa Jeepney!

Isa kong empleyado sa lugar ng Alabang at minsan ay gabi na ko nakakauwe kadalasan ay jeep lang ang sasakyan dahil walang masyadong bus ang dumadaan sa alabang pag gabi na, pagsakay ko ng jeep ay medyo traffic at huminto pa talaga ng matagal pagdating ng jeep sa bandang Las PiƱas ay napansin ko ang isang lalaki na nasa harapan ko at tingin ng tingin sa mga pasahero nasa harap ko ang lalaking ito at may dalang backpack na black, nagtaka ako at bigla syang tumabi sa akin, maluwag naman ang jeep at lima lamang ang nakasakay may dala ko noon bag at wala nman syang makukuha doon, nang napansin nyang wala syang madudukot sakin medyo lumipat sya sa bandang likuran ng jeep at tumabi sa mga sumakay na istudyante noon palang ay nakakatunog na ko na may ibang pakay ang lalaking ito, lumipat ako ng upuan para makita ko ang mga galaw niya, ang style nito ay ipapangtakip niya ang bag na dala niya para makadukot sa katabi niyang pasahero itatago niya ang isang kamay sa bag at kikilos ito upang madukot ang bulsa ng katabi niya, kitang kita ko kung pano niya dukutan ang isa sa mga kabataang nakasakay sa jeep pero naantala siya ng biglang nagsibabaan ang mga istudyante sa mga oras na yun hindi ko alam kung may nakuha nga siya pero makikita sa mukha niya ang medyo pagkainis sa biglang pagbaba ng kanyang biktima, agad din syang bumaba ng jeep, biglang nagsalita ang jeepney driver "nakita niyo ba yung bumaba? ung lalaki mandurukot yun!" sabi niya "sinita ko na yun noon pero inabangan ako sa paguwi ko at pinagbabato ako ang sabi ba naman pakialamero ako." don ko nalaman na mandurukot din pala ang katabi ng driver dalawa pala sila. Sa panahon ngayon kailangan nating magdoble ingat kung may lakad man o pupuntahan. kung maaari ay huwag na magdala ng napakaraming gamit kung di naman talaga kailangan at baka pagsisihan pa natin. konting ingat mga kapatid at wag masyadong pasosyal sa daan ikaw din!!

No comments:

how to unblock sun simcard 2021

  FREE VPN UNLIMITED INTERNET PHILIPPINES DOWNLOAD HERE MEDIAFIRE APK               DOWNLOAD 1 PLAYSTORE                        DOWNLOAD 2 A...