Thursday, April 04, 2013

May 2013 Election in the Philippines Vote Wisely!

Panahon nanaman ng kampanya dito sa Pilipinas at naglipana nanaman ang mga pangakong malaking porsyento ang napapako, nagkalat na tarpaulines, TV ads, mga panawagan sa radyo,at sari-saring kalat na panghatak sa mga tao maiboto lang. sabi nga sa telebisyon mamomroblema nanaman ang MMDA sa paglilinis ng mga basura ng mga kandidato. First time ko boboto at WALA pa talaga akong listahan na iboboto ngayon sa darating na eleksyon mahirap pumili iba-ibang plataporma at yung iba salita ng salita wala namang plataporma puro tutulong ng tutulong pag binoto mo na wala namang nagagawa sa bayan. Iboboto ko lang yung mga taong magbibigay ng magandang edukasyon at trabaho, dahil sa ngayon sa Pilipinas pag wala kang pinag-aralan ay mahirap talaga humanap ng pagkakabuhayan e paano nalang kung wala kang pangkolehiyo? tulad ko na 2 years ang pinag-aralan at vocational yun lang kasi ang kaya kailangan pa ng diskarte para makapasok, dahil halos lahat ng company na magaganda e degree course ang hinahanap kaya ang mayayaman lalo pang yumayaman ngayon pano na lang yung mga kapos? hahayaan nalang? nakakalungkot isipin na nagkukulang talaga ang pamahalaan sa pagtuon ng pansin sa edukasyon kung may pagkakataon lang talaga makapag-aral ang lahat para may pag-asa rin at makaahon sa kahirapan kaya no choice ako na iboboto ko talaga ang mga may plataporma para sa pag-aaral yun nalang muna siguro ang maitutulong ko ngayon sa iba di naman ako mayaman para mamigay ng relief goods at pera. Kaya kinatisin nalang natin mabuti ang mga iboboto magdalawang-isip at tatlong isip ka kapatid tulong tulong din sa bayan ha! VOTE WISELY! GOODLUCK

No comments:

how to unblock sun simcard 2021

  FREE VPN UNLIMITED INTERNET PHILIPPINES DOWNLOAD HERE MEDIAFIRE APK               DOWNLOAD 1 PLAYSTORE                        DOWNLOAD 2 A...